Dennis Trillo raring to take a much-deserved break after My Faithful Husband

Dennis Trillo looks forward to taking his much-deserved break after his physically- and emotionally-draining role in My Faithful Husband: “Nakakapagod yung pag-iyak nang marami. Kaya sabi ko sa manager ko, bakasyon muna ako after nitong show.”


Malapit nang magwakas ang GMA primetime teleserye na My Faithful Husband.

Kaya naman sunud-sunod ang taping ng mga bida na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nasa plano ni Dennis na magbakasyon pagkatapos ng naturang teleserye.

Inamin ng Kapuso actor na ang pagganap niya bilang si Emman sa My Faithful Husband ay isa sa mga pinakanakakapagod na papel na nagampanan niya.

“Nakakapagod siyang gawin dahil maraming iyakan, mabigat ang kuwento niya. Maraming sigawan pa.

“Maraming pinagdaanan kasi ang role ko as Emman.

“Sa lahat nga ng ginawa kong role, ito na ang pinakamadrama sa lahat,” pahayag pa ni Dennis nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng My Faithful Husband sa Orchard Gold and Country Club, Dasmarinas, Cavite, last October 28.



TIME OUT. Physically and emotionally draining daw ang mga eksena kaya nais munang magbakasyon ni Dennis bago siya magsimula ng panibagong teleserye.

Pag-amin niya, “Nakakapagod yung pag-iyak nang marami.

“Lahat kasi kami, may sariling mga emotions na nilalabas dahil sa mga conflicts na nangyayari sa mga eksena.

“Lalo na sa akin, laging intense si Emman.

“Kaya sabi ko sa manager ko, bakasyon muna ako after nitong show.

“Kasi for the past three months, sunud-sunod ang mga mabibigat na eksena.

“Kaya gusto ko muna mag-timeout.

“Baka mag-out of the country muna ako or mas mag-spend time ako with my son, Calix.

“Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa beach. Namumuti na naman ako, e.

“Basta ayoko munang magtrabaho nang mabigat after My Faithful Husband.

THANKFUL FOR HIT MOVIES. Bago matapos ang taong 2015 ay maraming pinapasalamatan si Dennis.

Una ay ang magandang takbo ng kanyang career sa TV at maging sa pelikula ay nagawa niya ang She’s Still The One with Maja Salvador at nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa isa sa pinakamalaking pelikula ng taon na Felix Manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Diyan ako thankful talaga, kasi kahit na hindi tayo Iglesia Ni Cristo, sa atin pinagkatiwala ang role na iyon.

“Ginampanan ko naman nang maayos at nakakatuwa ang reception niya sa box-office.

“Hindi ko alam ang exact figures ng kinita ng Felix Manalo.

“Pero ang alam ko ay masayang-masaya ang mga taga-INC,” ngiti pa ni Dennis.



WISHES TO DO MORE ROM-COMS. May isa pang natapos na movie si Dennis kasama si Solenn Heussaff, titled Lakbay To Love. Ito ay isang indie movie tungkol sa sport na biking.

“Isang very light movie yung sa amin ni Solenn.

“Tungkol sa biking na isa sa kinahihiligan kong sport ngayon.

“February 2016 pa naman ang showing niya, pero magkakaroon na ng preview sa November.

“Iba para sa akin yung movie, kasi magaan at hindi tulad ng mga ginagawa kong drama na sobrang bigat.

“Gusto ko ngang gumawa ng romantic-comedy.

“Gusto ko kasi yung paiba-iba ang roles, kasi baka magsawa na ang mga tao sa mga ginagawa kong pag-drama.

“Tama lang sa akin ang feel-good movie. Kasi never pa akong nakagawa talaga ng isang all-out na rom-com.

“Hopefully, makagawa tayo next year. Marami namang mga kuwento na puwedeng gawin na pang-rom-com,” lahad din niya.



SPENDING QUALITY TIME WITH SON. Nagkuwento rin si Dennis tungkol sa anak niyang si Calix Andreas, na walong taong gulang na ngayon.

Every weekend ay nasa bahay niya si Calix at hindi niya pinapakawalan ang pagkakataon na maka-bonding parati ang anak.

Kuwento niya, “Malaki na si Calix, e.

“Ang hilig niya ngayon ay basketball.

“Every weekend kami nagkakasama nang matagal.

“Gusto ko nga sana, the whole week nasa akin. Pero malayo sa school niya ang bahay ko kaya kapag school days, nandoon siya sa mommy niya.

“Kaya I always look forward to the weekend kasi makakasama ko ulit ang anak ko.”

Proud ngang sabihin ni Dennis na uma-attend siya ng PTA meetings sa school ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, uma-attend ako. Kailangan kasi para alam ko yung mga nangyayari sa school ni Calix.

“Hindi pa kami nagkakasabay ni Carlene [Aguilar, Calix's mom] sa PTA, e.

“Pero madalas naman kaming mag-usap. Lalo na kapag nasa akin si Calix, nagpa-follow up siya sa mga homeworks nito,” patuloy ng aktor.

MORE KIDS? Tinanong namin si Dennis kung gusto pa ba niyang magkaroon ng isa pang anak?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman!

“Siyempre, gusto ko rin naman na magkaroon ng isa pa para may isa pang kapatid si Calix.”

Gusto na rin bang ma-experience ni Dennis ang makasal?

“Gusto ko rin naman.

“Siyempre, pinagpaplanuhan nang mabuti ‘yan.

“Bago tayo ikasal, maghanap muna tayo nang pakakasalan!” sabay tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN