ARMM governor takes offense at Eat Bulaga! hosts' Halloween costume

“[Eat Bulaga] equated the Muslim garb as a costume to be feared, in the way that zombies and ghouls are to be feared,” ARMM governor Mujiv Hataman said about the thobe hosts Tito Sotto and Joey de Leon wore during the show's special Halloween episode.

Note: This photo has already been deleted in Eat Bulaga's Facebook account.


Dismayado ang governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na si Mujiv Hataman sa ginamit na costume ng Eat Bulaga! hosts na sina Senator Tito Sotto at Joey de Leon sa Halloween special ng kanilang programa kahapon, October 31.

Ang dalawang beteranong hosts ng noontime show ay nakasuot ng thobe, na karaniwang suot ng mga lalaking Muslim. Ito ay parang robe na hanggang sakong ang haba at may mga mahahabang manggas.

Ipinahayag ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa kanyang statement na nalathala sa Minda News ngayong araw, November 1, na nais niyang humingi ng paumanhin ang Eat Bulaga! dahil sa kasuotan nina Tito at Joey.

“On behalf of the Filipino Moro people, we demand that producers and hosts of the noontime show issue a public apology,” sabi ni Gov. Hataman.

Sa Pilipinas, karaniwang isinusuot ng mga kalalakihang Muslim ang thobe sa araw ng kanilang pagsamba, katulad ng Eid'l Fitr.”

Kaya ayon kay Gov. Hataman, “This display betrays an insensitivity by these hosts, as they equated the Muslim garb as a costume to be feared, in the way that zombies and ghouls are to be feared.

“We remind the hosts and the producers of the show of how Muslims are quite often discriminated against in our society, often stereotyped as troublemakers and terrorists.

“What Eat Bulaga did in its Halloween Special was a mockery of and an affront to the image of the Muslim, apparently in the name of entertainment.”

Wala pang opisyal na pahayag ang Eat Bulaga! tungkol sa isyu.

Bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ng Eat Bulaga! tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN