(UPDATED) Sen. Tito Sotto speaks up about Halloween-costume controversy

Magkakasalungat na opinyon ang ibinabato kina Joey de Leon at Senator Tito Sotto dahil sa pagsuot nila ng thobe sa Halloween special ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 31. Wala pang naging opisyal na pahayag ang dalawang beteranong hosts at ang kanilang show tungkol sa isyu.


Lumikha ng kontrobersiya ang suot na thobes nina Senator Tito Sotto at Joey de Leon sa Holloween episode ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 31.

Hindi nagustuhan ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman ang ginawang ito nina Tito at Joey.

Binatikos ng gobernador ang dalawang beteranong TV hosts at gusto nitong magbigay sila ng public apology.

Read: ARMM governor takes offense at Eat Bulaga! hosts' Halloween costume

Ngunit ayon sa ilang masugid na tagasubaybay ng Eat Bulaga, halos taun-taon na suot ni Tito Sen ang thobe costume nito tuwing Halloween special ng kanilang noontime show.

Hindi raw nilapastangan nina Tito Sen at Joey ang mga Muslim sa pagsusuot nila ng thobe dahil hindi sila naglagay ng nakakatakot na make-up.

Sabi pa ng iba, normal namang kasuotan ng mga lalaking Muslim ang thobe, lalo na sa Arab countries.



TITO SEN SPEAKS UP. Sa unang pagkakataon ay sinagot ni Tito Sen ang isyu sa pamamagitan ng text message na ipinadala nito sa PEP contributor na si Gorgy Rula ngayong araw, November 2.

Pahayag ng senator-TV host: "Una sa lahat, hindi totoong ang Muslim community ang nagre-react sa suot namin ni Joey.


"Pangalawa, hindi muslim outfit yun, ARAB costume yun at ilang taon ko nang sinusuot yun dahil natutuwa ang mga kaibigan kong mga Sheikh pag sinusuot ko yun na regalo nila sa akin.


"Ikatlo, ang ibig nilang sabihin yun mga nagko-costume ng mga pari o madre o naka-Barong Tagalog ay hindi puwede sa costume party?


"Yun ganuon may relihiyon. Meron din mg Christian Arabs eh wala namang problema. Ano problema nila?"

Sa isang Instagram post naman ni Tito Sen, sinabi nitong ang pagsusuot niya ng thobe ay pagbibigay-pugay sa isang Muslim leader na nagbigay sa kanya ng naturang kasuotan.

Saad nito: “Sheikh SHAWAF of Riyadh, Saudi Arabia gave me that costume. He likes it everytime I get a chance to wear it. I wear it to honor him. @aldbunation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagtanong naman sa kanya kung siya ba ang nanalo sa Halloween costume contest ng Eat Bulaga.

Sagot nito: “Hindi ako nanalo. Hindi daw costume yun suot ko… Uniform daw! Wala talagang pag-asa, hahaha!”

Wala pang pahayag si Joey tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN