Lani Misalucha mulls retirement but music always beckons: "It would just follow me wherever I would go."

Lani Misalucha can sing any kind of song, but her ear is most attuned to classical music. She says, “Doon ako pinakakumportable... iyon ang naririnig namin sa bahay, papatugtugin ng tatay ko. Ganundin ang pina-piano niya, ganundin ang maririnig mong kinakanta niya, papakantahin kami."


Hanggang ngayon ay aktibong-aktibo pa rin sa pagkanta ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Pero inamin niyang may puntong naiisip na rin niyang mag-retire.

“Alam niyo, kabuhayan ko ito, e, pero sa totoo lang, hindi ako mag-aantay na hindi ko na talaga kaya.

“Honestly, noon pa man gusto ko na talagang mag-retire, that’s one of the reasons why we left for the U.S.

“And then, mangibang-buhay na, alam mo iyon, simpleng buhay sa Amerika,” sabi ni Lani.

Pero ano ang nagtutulak sa kanyang ipagpatuloy ang pagkanta?

Sagot niya, “Actually, it’s not me who keeps coming back to music, actually it’s music that keeps on chasing me.

“Honestly, I would go to this direction, but it would just follow me wherever I would go.

“Sabi nga nila, an artist will always be an artist, so siguro ganun ang nangyayari sa akin.

“Sabi pa ng asawa ko, ‘Ito ang talentong ibinigay sa iyo ng Diyos, siguro hindi pa dapat sa iyo na mag-retire.’”

Ang asawa ni Lani ay si Noli Misalucha.

Dagdag pa niya, “So siguro, iyon na lang talaga ang gagawin natin hangga’t kaya, e, di kakayanin.

“Pero ayoko namang dumating sa panahon na uugod-ugod na ako, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press si Lani pagkatapos ng kanyang dinner concert na Harana.

Handog ito ng Las Casas Filipinas de Acuzar Heritage Resort katuwang ang Full House Asia Production Studios Inc.

Ginanap ang concert noong Oktubre 31 sa Hotel de Oriente Convention Centre ng naturang heritage resort na proyekto ng New San Jose Builders sa Bagac, Bataan.

Nakasama ni Lani sa concert si Mel Villena at ang AMP Band.

VERSATILE. Sa tuwing nagko-concert si Lani, iba’t ibang genre ng mga kanta ang kabilang sa repertoire niya—mula sa kanyang signature songs hanggang sa modern at classical songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung ganun… at least may iba-ibang madidinig ang tao sa iyo at mayroon kang iba’t ibang maio-offer sa tao.

“Gusto ko yung ganun na mayroong variety yung mga kanta mo, iba’t ibang kulay, iba’t ibang texture, at lahat makaka-relate.”

Malapit daw sa puso niya ang classical music.

“Doon ako pinaka kumportable, where I’m most comfortable singing, classical music.

“Because for me, that’s the proper way of singing, yung hindi strained ang boses mo.

“Nandoon yung tamang placement ng boses mo, yung hindi nai-strain ang boses mo.

“Hindi ko naman masasabi na iyon ang pinakapaborito ko, but I just love classical music.

“Only because iyon nga ang naging orientation namin sa bahay… iyon ang naririnig namin sa bahay, papatugtugin ng tatay ko.

“Ganun din ang pina-piano niya, ganun din ang maririnig mong kinakanta niya, papakantahin kami.

“Na hindi mo nabibigyan ng importansiya when you were little, na in the future pala ay kakaririn mo.

“So, naging malapit ang puso ko sa classical music at saka sa mga kundiman, kaya nga nag-iisip ako na puro kundiman naman.”

SINGING FOR A CAUSE. Dahil nalalapit na ang 2016 elections, may mga kandidato na bang lumalapit sa kanya para kunin siyang endorser?

Ayon kay Lani, “Wala namang nag-iimbita para mag-endorse, may nag-iimbita for me to perform.

“Sa akin, I don’t want to be associated with anyone, tutulong ako dahil gusto kong tumulong.

"Or gusto kong mag-endorse dahil gusto ko talagang mag-endorse.

“Siyempre iyong ie-endorse ko, yung gusto ko at mayroon talaga akong tiwala na nararapat na umupo sa posisyon.”

So, papayag lang siyang mag-perform sa kandidatong gusto niya?

Aniya, “Kung hindi naman siya endorsement, yung walang ‘Iboto natin,’ yung walang ganun, okay lang.”

HARANA. Sa kanyang concert naman na Harana, bigay-todo nga si Lani dito at itinuturing niyang malaking karangalan na siya ang kauna-unahang artist na makapag-perform at makapag-concert sa tinaguriang the country’s first and only heritage resort by the sea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa nga, at least nakarating ako dito, nakita ko kung gaano talaga kaganda.

“I’m very grateful they made me the first to make a show here, I’m sure magkakaroon pa ng ibang shows dito.

"Napakagandang venue, di ba, so I’m thankful to them, they chose me to be their first performer here,” pahayag ng Asia's Nightingale.

Na-amaze nga raw si Lani sa lugar dahil nakita niya ang maraming heritage houses na galing pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Ang iba rito ay ni-reconstruct at ni-restore ng Las Casas Filipinas de Acuzar, habang ang iba naman ay ginawan nila ng replica.

Ayon pa kay Lani, isa itong open-air museum at heritage park na maipagmamalaki ng ating bansa. Very willing daw siyang bumalik dito para mag-concert ulit.

Ikinatuwa rin ni Lani na bahagi ng kinita sa concert ay napunta sa Kapitbahayan sa Kalye Bautista, isang non-government organization na tumutulong sa preserbasyon at pangangalaga ng heritage houses sa Quiapo, Manila.

Samantala, pabalik-balik pa rin daw si Lani sa Pilipinas at Amerika para mag-perform.

“Dumating ako dito ng Wednesday [October 2], aalis ako ng November 9.

“But nandito na ulit ako ng November 29 for my December 4 and 5 na concert with my guest Arnel Pineda sa Solaire.

“Pero bago ako bumalik dito ng November 29, may show pa ako sa New York ng November 22.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN