Ramon Bautista on endorsing politicians in 2016 elections: "Alam naman nila ang prinsipyo namin ay hindi nabibili.”

From (L-R) Jun Sabayton, Ramon Bautista, RA Rivera, and Lourd de Veyra guest on PEPtalk. Watch the fun revelations of the Kontrabando boys in #KontrabandoOnPEPtalk on November 4.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay binisita at nakausap ng PEPtalk team ang Kontrabando boys na sina Ramon Bautista, Lourd de Veyra, RA Rivera, at Jun Sabayton.

Dito ay mas nakilala at nalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento sa likod ng pagiging matapang at prangka nila sa pagtalakay ng social issues sa Pilipinas.

Nakilala ang kanilang show na Kontrabando sa pagiging totoo, prangka, at masasabing kapupulutan din ng aral.

Kaya naman hindi pinalagpas ng aming PEPtalk host na tanunin sila kung nakatanggap na ba sila ng imbitasyon upang ma- endorse ng kandidato sa May 2016 elections.

“Oo, naman... wala!” pare-pareho nilang sagot.

Agad naman itong nilinaw ni Ramon Bautista.

Sabi niya, “Kung meron man, alam naman nila ang prinsipyo namin ay hindi nabibili.”

Biro naman ni Lourd, “Ako, hanggang tocino lang ang ibinebenta ko at saka chicharon.”

Ito ang mga produktong iniendorso ng TV host at komentarista.

Pabiro man ang kanilang mga sagot ay malaman at malalim ang pinanggagalingan ng mga ito.

Abangan ang kanilang masayang bukingan at laglagan sa #KontrabandoOnPEPtalk sa November 4 na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN