Kris Aquino bashed over airport-experience IG post; reminded by bashers about 'laglag bala' modus operandi

Idinaan sa Instagram post ni Kris Aquino ang kanyang sagot kaugnay ng masasakit na salita mula sa bashers dahil sa wala raw karampatang aksiyong ginagawa ang kapatid niyang si Pangulong Noynoy Aquino sa ‘laglag-bala’ modus operandi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Kararating lang ni Kris Aquino at ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby kahapon, November 1, galing sa ilang araw na bakasyon sa Hawaii.

Kaagad na nag-post sa Instagram ang Queen of All Media tungkol sa naging experience niya sa eroplanong sinakyan nila papuntang Hawaii at pabalik ng Pilipinas.

Sabi ni Kris: “I don't endorse @flypal but I want to commend them via this post- we flew the A330 going to Hawaii & the A340 on our way home.

"Both times the flights were so comfortable & the planes smelled fresh & clean, the crew both in the airport (NAIA & HNL) & on the plane were so pleasant, and most of all the special PAL Arroz Caldo was Pinoy comfort food at its BEST! Keep up the good work to all those working for our flag carrier! #Mabuhay.”

Sa post na ito, dinumog ng bashers si Kris.

Ang iba, nagsasabing kaya ganun kaganda ang treatment sa kanya dahil siya ay kapatid ng presidente at isang sikat na celebrity.

Ang iba naman, tumuon sa kasalukuyang isyu ng “laglag-bala o tanim-bala” modus operandi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang “laglag-bala o tanim-bala” ay isang modus operandi na kinasasangkutan ng mismong mga empleyado ng NAIA, kung saan naglalagay diumano ang ilan sa kanila ng mga bala sa ilang pasahero.

Nalalaman na lang ng isang biktima na may lamang bala na pala ang kanyang bagahe kapag dumaan na ito sa airport scanner.

Kahit sino ay maaaring mabiktima nito nang walang kamalay-malay.

Umabot na sa foreign news websites ang modus operandi na ito sa NAIA, at binatikos na ng ilang celebrities katulad na lamang ng Broadway star na si Lea Salonga.

Read: Lea Salonga condemns 'laglag-bala' modus operandi in NAIA: "Nakakahiya. Sobrang nakakahiya."

Maraming masasakit na salita ang ibinato ng ilang netizens kay Kris, katulad na lamang na dapat daw ay ibalik na ang pangalan ng NAIA sa MIA o Manila International Airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilan sa mga nagkomento sa post ni Kris:

virgo083077: "Worst Airport ang NAIA nakkahiya name p nmn ng Tatay mo nkatatak jan pero daming buwaya.#laglagbala#BalikbayanboxTax#nakakahiyaPinas"

dhelano25: "Walang alam ang kapatid mo worse president ever in philippine history buwaya #laglagbala"

ikaw_aq: "@withlovekrisaquino because U R Kris Aquino👍👍👍 PAL is always been BAD SERVICE."

jameshann84: "Sige nga! mag tanim nga kayo ng bala sa bag ni Kris! namimili kayo ng kinakaya ha!"

ikaw_aq: "@withlovekrisaquino mabuti sana Kris ikaw ang ma tamnan ng bala sa airport para ma feel mo ang feelings namin......"

vhalen6798: "Anong proud don ..natural good service ang ibibigay sa yo first class at kapatid ng president ..mahiya ka ksi yng kapatid mo tinutulugan lng Niya ang mga problema ng bansa kabilaan ang mga corruption sa pinas proud ka na walang nagagawa ang kapatid mo dapat ang ang naia palitan ng kapatid mo ang pangalan ..Ninoy tanim bala airport Baka sasali maniwal pang mga tao actress ka nga punong puno ka ng kaplastican sa katawan"

riokathrine: "Dito sa Japan pinag-iingat ng government ang mga hapon kapag magtravel sa pinas dahil sa issue Na TANIM NA BALA Dyan sa airport natin. At meron Na rin sila counter para i wrapped ang mga bagahe nila in case sa pinas ang destination. Siguro dahil AQUINO ka at kilala Kaya BEST SERVICE ang pinapakita sa inyo. Siguro Kung ordinaryo Tao ka Lang malalaman mo ang ang nararamdaman namin. Dahil kahit ibang bansa nakikita Nila Di safe ang airport sa atin."

alwayskathyg: "Too bad dahil ikaw lng naka feel nang best of the best service nila esp NAIA. Bakit pa pinangalan sa inyo ang airport na yan kung hindi nyo nman pala ma gampanan ng maayos ang sistema jan?"

thenevera17: "@withlovekrisaquino sana masolve na po ang problem sa NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT(NAIA) nakakatakot na po ang nangyayari. Nakapangalan pa naman po sa tatay nyu ang airport na tinagurian na ngayong most worst airport in the world! Nagpapakahirap po kamagtrabaho dito s ibang bansa yong ecxcitement namin pag-uwi sa mga mahal namin sa buhay napalitan ng takot! Yong mga nahulihan po ba ng bala mabibigyan nyu ng trabaho para buhayin pamilya nila, nagsusumukap kaming mga ofw's para maiahon pamilya namin sa hirap pero anu ginagawa ng gobyerno samin? Puro pasakit! NAKAKAHIYA ANG GOBYERNO!!! Sorry miss kris pero need ng aksyon ni Pres.Noy! Wala xang ginagawang aksyon sa mga nangyayaring karumal dumal na nangyayari kaya expect the worse scenario sa eleksyon 2016."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

neldan: "@withlovekrisaquino sna nga po ms kris ma.solusyunan na govt ntin itong issue na laglag bala..specially malapit.ng mag december.at madaming mag uuwian na mga ofw..katakot tlga satin..pati ba nman sa airport katakot na din??sana bago umalis ang ating presidente sa knyang puwesto may magawa siya regarding this big issue sa airport..medyo nkkiya na din kasi sa ating mga turista at sa buong mundo..salamat po"

akosimrs_g: "ofcourse itit was comfy and smelled good, YOU FLEW FIRST CLASS!!! and of course the crew were pleasant, YOU'RE THE PRESIDENT'S SISTER!!! ANUBER!!!!!!!!!!"

cariza_khain: "Yes you are comfortable with pal bec. They know that you are kris aquino and in 1st class flight d tulad namin sa economy class lang. I had a worst experience flying with pal vancouver to manila flight with my 2 mos old son that time... ultimo distilled water I've ask for my baby ubos n daw. Asking for baby basinet parang ayaw pang mgbgy .. i will never fly with pal ever again. . @flypal"

hersheys75: "@withlovekrisaquino sana matulungan mo na matigil na ang laglag bala sa NAIA,di lng nkakatakot kundi nakakahiya na sa buong mundo ang nangyayari"

chonarmonio: "Hi Kris, need help badly regarding the laglag Bala. Hoping for fast solution in the airport. I truly believe that your brother the President can do something about this. Managot Kung sino ang dapat managot Kung sindikato man ang may kagagawan nyan."

itsmeday11: "@withlovekrisaquino you get all the special treatment because you are kris aquino 😘 i think by the time you landed in naia you get all the smile from them. Not like us a simple ofw 😌"

iheartphil: "@withlovekrisaquino magkapatid ka nga kayo ni Pnoy, 2 most insensitive person, alam mo na nga na malaki problema sa airport sa tanim bala den pa post2x ka pa ng naia airport..hay! kawawang pilipinas bket kse mga Aquino nag lead ng bansa natin lalo tayo naghihirap..We are just deceived by Aquino history"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang ni isang komento ang sinagot ni Kris.



“IT’S HANDLED.” Pagkatapos ng ilang oras, muling nag-post si Kris sa Instagram.

Sabi ng Kapamilya TV host-actress, nakausap na niya ang kanyang kapatid kasama ang larawang may nakasulat na: “It’s handled.”

Sabi niya sa caption: “I spoke to my brother... I love my brother. I support my brother. I trust my brother. I believe in my brother. And by tomorrow you can start looking for a new issue to bully me about.”

Pero tila hindi nagustuhan ng ilang followers ni Kris ang paggamit niya ng salitang "bully."

Narito ang ilan sa mga komento kaugnay sa salitang ginamit ni Kris:

aceedlsrys: "NAKAKAHIYA ang Pilipinas! this reflects what kind of government we have! like what ive said, lucky you Ms Kris and elite people that you will not ever experience this for sure, unlucky for us normal people. Each and everyone of us can be a victim! Now tell us Ms Kris, who is being bullied here?"

anggeiskat: "@withlovekrisaquino .. the word 'bully' is overated to the victims of Lag-lag bala who are our OFWs .. i am playing a violin for you...I am still a fan tho" no offense.. just keeping it real"

gipdaniels: "@withlovekrisaquino Kris Aquino, DO NOT BE DEFENSIVE & CLAIM YOU'RE BEING BULLIED! We THE FILIPINOS ARE THE ONES BEING BULLIED! DON'T ACT LIKE YOU'RE THE VICTIM! We The FILIPINOS ARE ALWAYS THE VICTIMS! TELL YOUR BROTHER TO TAKE THIS LAGLAG BALA SCHEME SERIOUSLY! Even as We SPEAK, THE SYNDICATE IS STILL VICTIMIZING INNOCENT PASSENGERS! FIRE EVERYBODY AT THE AIRPORT! OBVIOUS NAMANG ALAM NILA YAN! WE ARE SICK@& TIRED OF THIS!"

voiceitout_2015: "You feel bullied? Try being in the shoes of those people who were victims of the laglag bala modus operandi. Before telling people it's handled (or being handled) make sure it is actually happening. The problem with you Kris Aquino is that you seem to always make yourself be the victim. You are indeed an actress 👏👏👏"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mayroon din namang nagpasalamat kay Kris dahil sa agarang aksiyon na pagpaparating niya sa kapatid ng mga hinaing nila tungkol sa modus operandi sa NAIA.

Ilan sa mga komento nila ay:

jeahlyn: "Bakit lahat isisi nlng sa ating pqngulo ang pangyayari hndi nman nya kagustohan mangyari yan ang tanim bala sa naia hayaan mo nlng po @withlovekrisaquino my mga tao po tlga mahilig Manchuria God bless to all your families po❤❤❤💋💋💋👄👄👄"

holygrail_angel: "Thanks @withlovekrisaquino for helping us on the airport issue.. And for not ignoring our sentiments.. Katulad mo, mahal nmin ang aming mga pamilya at gusto nmin makasama sila lalo ngyong pasko. But for what's going on right now, we are all afraid to come home…"

mariaearlm👍👍: "two thumbs up for Ms Kris @withlovekrisaquino for sharing this post at IG. The lady character in this award winning TV series #scandal portrays a person who does what she says. And I think Ms Kris is telling us all that it is already handled. So, believe her when she said that. @thisischerrymay amen! GOD sees all things, knows all things and is above all that is what is going around us. GOD bless!"

stad2005: "thanks for telling your brother, I read in the news that he already given instruction to Abaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN