Robin Padilla on Halloween costume of Sen. Tito Sotto and Joey de Leon: "This is not an Islamic insult nor a race issue."

Idiniin ni Robin Padilla na ang pagsuot ng thobe o Arab costume nina Joey de Leon at Tito Sotto ay hindi dapat maging malaking isyu dahil ang nasabing kasuotan ay hindi raw dapat maging representasyon sa kanilang pagiging Muslim.


Nagbigay ng pahayag ang aktor na si Robin Padilla hinggil sa isyung pagsusuot ng thobe nina Senator Tito Sotto at Joey de Leon sa Halloween episode ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 31.

Ang thobe ang tawag sa kusuotan ng mga kalalakihan sa Arab countries.

Matatandaang ikinadismaya ng governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na si Mujiv Hataman ang pagsusuot ng thobe dahil paglapastangan daw ito sa mga Muslim.

Ayon kay Hataman: “This display betrays an insensitivity by these hosts, as they equated the Muslim garb as a costume to be feared, in the way that zombies and ghouls are to be feared.

"We remind the hosts and the producers of the show of how Muslims are quite often discriminated against in our society, often stereotyped as troublemakers and terrorists."

Dahil dito, gusto ng ARMM governor na magbigay ng public apology ang dalawang Eat Bulaga! hosts.

Read: ARMM governor takes offense at Eat Bulaga! hosts' Halloween costume



ROBIN REACTS. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nagbigay ng reaksiyon tungkol sa isyu si Robin, na isang Muslim.

Sa kanyang post, sinabi ng action star na mayrooon pang mas mahahalagang isyu na kailangang pagtuunan ng pansin kaysa sa pananamit.

BangsaMoro Youth ang ganap na ito ang mas pinag aaksayahan ng oras lalo ng alab ng inyong mga lahi.ang magbigay ng...

Posted by Robin Padilla on Saturday, October 31, 2015

“BangsaMoro Youth, ang ganap na ito ang mas pinag-aaksayahan ng oras, lalo ng alab ng inyong mga lahi.

“Ang magbigay ng panahon sa mga bagay na hindi karugtong ng iyong pusod, lalo ng iyong kinabukasan at karapatan ay hindi pagiging mulat, bagkus ay bulag.

“Ang usapin ng bawat tradisyon at kultura ay hindi kailanman parte ng pananampalataya sa Panginoong Maylikha.

“Choose your battles and be wise in propagating Islam.

“How can we achieve peace, prosperity and the realization of shariah when the representation of Islam in our hearts is the Arab costume, not the character and the light of Prophet Muhammad (SAW)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin din ni Robin na ang isyu ng pananamit ay walang kinalaman sa pag-aalipusta sa relihiyong Islam o sa pagiging Muslim.

“I have fought with you in many peaceful ways, but this campaign against a showbiz and political personality, is for me, not worthy of my revolutionary time: this is not an Islamic insult nor a race issue.

“Sa mga kapanalig sa katipunan, hinihingi ko na muli ninyong basahin ang ating kartilya at manalangin sa Panginoong Maylikha, na ang ibigay ng nag-iisang Dios sa atin ay ang kanyang pang-unawa at talino upang ang katwiran ang manaig hindi galit.”

Sa comments section, iginiit ni Robin na hindi ang pananamit ang dapat maging basehan sa pagka-Muslim.

“Kung ang pagbabasehan ng ating pagka-Muslim ay ang kasuotan na ito, para na rin sinabi na ang lahat ng mga nasa Youtube na pagmamalupit at panggagahasa ng mga Arabo sa ating mga OFW ay pagka-Muslim.

“Mag-ingat tayo, mga kapatid, sa pagpukol ng puna at bato. Baka bumalik sa mukha natin at mawalan tayo ng mga mukha.

“Ang Muslim ay hindi Arabo, ang Islam ay mula sa Allah at tanging pag-uugali lamang ng propeta Muhammad (saw) ang basehan ng ating pagka-Muslim hindi kailanman sa kasuotan.”

Paulit-ulit din ang naging sagot ni Robin sa mga nagkomento tungkol sa isyu.

Aniya, “Hindi Islamic costume ‘yan, kapatid.. Arab traditional costume ‘yan at ang nagsusuot niyan ay hindi lamang Muslim, ARABO.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN