Dindi Gallardo reveals reason for returning to the Philippines and acting

Dindi Gallardo in her comeback project will essay the role of Imelda Marcos in the movie Dahlin' Nick depicting the life and work of the National Artist Nick Joaquin.


Naramdaman daw ng aktres at dating beauty queen na si Dindi Gallardo na na-miss niya ang pag-arte nang magbakasyon siya sa Pilipinas noong isang taon.

Nakabisita raw siya sa set ng shooting ng Bonifacio movie ni Robin Padilla at ng Heneral Luna ni John Arcilla.

Dito nga raw nabalik ang passion niya sa acting.

Hanggang sa noong Marso 2015 ay nagdesisyon si Dindi na bumalik sa Pilipinas for good, kasabay rin ang pagbabalik niya sa showbiz.

Saad niya, “I always knew that I would be coming home, I’m back for good, I’m happy to be back.

“Ano na ako, forty-four, mag-forty-five na ako, and I said, well, I want to come home.

“And there were certain incidents that happened also.

"Di ba, sometimes you get signs from the universe na, ‘Okay, eto na yung path.’

“There were certain things that happened kasi a few years with my job.

"That’s when you realize na maybe God has a different plan.

"It was the catalyst that got be thinking of moving back home.”

Si Dindi ay co-managed ni Loli Solis at ng Viva Artists Agency.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dindi sa presscon ng Cinema One Originals 2015, na ginanap noong Oktubre 27 sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

PLAYING IMELDA MARCOS. Kabilang si Dindi sa cast ng pelikulang Dahlin' Nick kung saan ginampanan niya ang role ng dating First Lady na si Imelda Marcos.

Mula sa direksiyon ni Sari Dalena, isa ito sa siyam na official entries na maglalaban sa Cinema One Originals 2015.

Ani Dindi, “Yes, this is my comeback movie, yung last film ko matagal na, I think 1999 pa.

“It was with Rosanna Roces and Christopher de Leon, yung Katawan.”

Ano naman ang dahilan na sa kabila ng maraming offers ay ang Dahlin' Nick ang una niyang tinanggap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve always wanted to work with Sari, it’s a cameo role really.

“The main thing here, it’s really Nick Joaquin’s life story, so like Raymond [Bagatsing as Nick] is in every single scene.

“The cast is pretty big and we all have our own roles to fulfill, so mine is a cameo, but it’s memorable.”

Kahit sandali lang daw ang role niya ay nag-research din siya dahil very prominent at parte ng kasaysayan ng Pilipinas si Mrs. Marcos.

“I did all this Imelda research also kahit sandali lang yung role, I wanted to understand also and build on that aura…

"She has this kind of presence also, e.”

Ang gumanap naman na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay si Lance Raymundo.

Sabi ni Lance, noong ipinost daw niya sa Facebook ang picture nila ni Dindi as the Marcoses, ni-like daw ito ni Sen. Bongbong Marcos.

Ano ang reaksiyon ni Dindi rito?

“That was cute, I’m actually friends with the youngest one [Irene Marcos], and I told her, ‘Hey, I’m playing your mom.’

“And she said, ‘Really?’ I even didn’t tell her until later on, she just gave me a thumbs up on Facebook, too.

“So, parang approve lalo na yung look.”

LEAVING THE PHILIPPINES. Umalis sa Pilipinas si Dindi at pumuntang Amerika noong panahong nauso sa local showbiz ang sexy movies o ST films.

Saad niya, “I guess it was just my time to take a break because there was no project that really interested me that time, so I left.

“My family was in the US also, I thought it was the right time to leave because it was good for my soul.

“And I remember talking to my manager, si Nay Lolit, sabi ko, ‘Nay, aalis ako.’

“And then she said, ‘Anak, pag umalis ka, you can’t really leave and take a year off or two years off, mag-quit ka na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Kasi you’re like really at the height of your career, it’s better to be remembered that way rather than nalaos ka, di ba?’”

Noong nasa Amerika siya ay napasok din siya sa entertainment industry pero hindi on-cam kundi off-cam.

“I worked also in films, but more on the production side, that’s why nagkainteres ako with directing.

“I also have like a few short films, that was where I met Direk Sari, in New York.

“In fact, coming back here, I either like to direct commercials or a film someday.”

MISSING FPJ. Marami raw siyang nami-miss katrabaho sa showbiz, pero pinaka-miss niya raw ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Si Dindi ang naging leading lady ni FPJ sa pelikulang Ang Probinsyano noong 1997.

“I got to work with a lot of actors. I know, it sounds cliché but FPJ, Tito Ronnie talaga, I really missed him.

“I love that film, siguro it’s one of my most memorable also… he was the one who wrote that.

“He was making me kuwento sa set, he loved that film.”

Ano ang pakiramdam niya na ginawan na ng TV version ang Ang Probinsyano ng ABS-CBN at pinagbibidahan ni Coco Martin?

“I’m so happy. I mean, you know, it’s a project that would be great for TV.”

Nakakapanood ba siya ng Ang Probinsyano ni Coco?

“Sometimes, siyempre sinilip ko, and it’s doing well, so I’m so happy for them also.”

Ano naman ang masasabi niya kay Coco sa naturang teleserye

“He’s a great actor. I saw him also before, I think it was Walang Hanggan, magaling din siya doon.

"I remember watching that back in the States because I’m a CharDawn [Richard Gomez and Dawn Zulueta] fan.

"And I heard they have a new teleserye [You’re My Home]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN