Mariel Rodriguez to husband Robin Padilla: “You are more than enough. More than I could ever ask for.”

Kasabay ng pagbabalik ni Mariel Rodriguez sa Pinoy Big Brother ay ang muli niyang pagiging aktibo sa social media matapos ang halos tatlong buwang pananahimik.


Pagkatapos ng halos tatlong buwang pananahimik, nag-post muli si Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account.

Pansamantalang nanahimik si Mariel matapos siyang makunan muli. noong Agosto.

Kasabay ng pagpu-post muli ni Mariel sa Instagram ang kanyang pagbabalik sa Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN, hindi bilang host kundi bilang celebrity house guest.

Kagabi, Linggo, October 31, sinalubong si Mariel sa “pagbabalik” niya sa reality show ng ABS-CBN.

Matatandaang bago siya lumipat sa TV5 noong 2011, isa si Mariel sa original hosts ng PBB.


MESSAGE TO ROBIN. Sa kanyang Instagram post nitong weekend, pinasalamatan ni Mariel ang kanyang asawang si Robin Padilla sa pagiging “best husband ever” nito.

Sinabi rin ni Mariel kay Robin: “You are more than enough.”

Positibo ang naging dating ng post na ito ni Mariel sa kanyang followers, at sinabing pinatibay silang dalawa ni Robin ng mga pagsubok na hinarap nila.

Nagkuwento rin si Mariel sa “memorable trip” nila ni Robin sa Europe ilang buwan na ang nakalilipas.

Ani Mariel: “I love you!!! Thank you for being the best husband ever.

“Because of you, I am contented. If I am blessed with more, it will just be a bonus.

“You are more than enough. More than I could ever ask for.

“The trials that we faced only made us stronger. Thank you for our most memorable trip...the best!!! Thanks for showing me how beautiful the world is.”

Ilang posts pa ang isinunod ni Mariel, partikular ang kanyang pagbabalik sa PBB.

Sa comments section ay pinasalamatan din ni Mariel ang kanyang mga tagasuporta na nagpahayag ng kasiyahan sa “pagbabalik” niya sa nasabing programa.

ako po si Mariel Rodriguez Padilla ang KapitBahay ni Kuya ðŸ

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) onOct 31, 2015 at 12:11am PDT

thank you @celestinegonzaga and the rest of my pbb family for the warm welcome. 🏠#PBBMPisBack ❤️

A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) onNov 2, 2015 at 3:34am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN