Maine Mendoza's Twitter account hacked

Isang "Anonymous Philippines" ang umako sa pangha-hack sa Twitter account ng Eat Bulaga! mainstay na si Maine Mendoza.


Na-hack ang Twitter account ni Maine Mendoza ngayong Martes ng madaling-araw, November 3.

Maraming followers ni Maine ang nagulat nang lumabas sa Twitter account niya (@mainedcm) ang mga sumusunod na posts at links:

https://t.co/HzEB87Ze0l #AnonPH #Anonymous #MillionMaskMarch #MMM2k15

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 2, 2015

#AnonPH #Anonymous #MillionMaskMarch #MMM2k15 pic.twitter.com/6HgJwWnhre

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 2, 2015

Kasunod nito ang isa pang post na nagsasabing: "Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari.."

Nagpakilala ang hacker na ito bilang "Anonymous Philippines"

Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari.. Nagmamahal, Anonymous Philippines

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 2, 2015

Agad namang nagpahayag ng kanilang galit ang ilang followers ni Maine tungkol sa pagkaka-hack ng Twitter account ng sikat na TV personality.

Mukha ring umakma ang hashtag ng Eat Bulaga! ngayong araw na #ALDUBTheVisitor dahil sa 'unwanted visitor' na ito sa Twitter account ni Maine.

Si Maine ay isa sa may fastest-growing Twitter accounts sa buong mundo, kung saan kahilera niya ang Hollywood celebrities na sina Taylor Swift, Katy Perry, Ellen DeGeneres, at Jimmy Fallon.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 2.4 million followers sa Twitter si Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN