Mahal marries non-showbiz boyfriend on All Souls' Day

Ikinasal na ang comedienne na si Mahal, 40, sa kanyang 25-year-old boyfriend na si Jobbie Hebrio sa Quezon Cith Hall kahapon, November 2.


Ikinasal kahapon, November 2, All Souls' Day, ang 40-year-old comedienne na si Mahal sa kanyang 25-year-old boyfriend na si Jobbie Hebrio.

Si Jobbie ay isang Bicolano at dating butcher/merchandiser sa isang supermarket.

Hindi Trick or Treat ang naganap na pag-iisang dibdib sa Quezon City Hall dahil totohanan ito at sinaksihan ni Quezon City First District Councilor Victor Ferrer at ng mga malalapit na kaibigan ni Mahal—ang singer na si Mae Rivera at ang sexy star-singer na si Kissa Kurdi.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kissa, sinabi nitong pagod at hindi nakatulog si Mahal—Noeme Tesorero sa tunay na buhay— dahil sa sobrang excitement na nararamdaman.

Sa kabila ng wedding jitters ni Mahal, naging masaya ang seremonya at wala raw naganap na drama.

Ayon pa rin kay Kissa, idinaos ang wedding reception nina Mahal at Jobbie sa farm ni Councilor Ferrer sa Fairview, Quezon City.

Pahayag naman ni Jobbie, “Finally, asawa ko na si Mahal.”

Pinasalamatan din nito ang lahat ng nagpunta sa kanilang kasal.

Marami ang natuwa para kay Mahal dahil sa bagong chapter na ito ng kanyang buhay.

Ang makahanap ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya ang madalas na ipinagdarasal ni Mahal.

Makulay rin ang kanyang lovelife dahil sa pakikipagrelasyon niya noon sa pumanaw na aktor na si Jimboy Salazar at sa aspiring actor na si Aries Navarro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN