James Reid gives Nadine Lustre a cute puppy as birthday gift

Isang cute na teacup maltese puppy ang iniregalo ni James Reid sa kanyang leading lady na si Nadine Lustre, na nag-birthday nitong October 31. (Inset) Nadine's new pet, Clarky.


Ibinigay na ni James Reid ang kanyang birthday gift sa ka-love team na si Nadine Lustre, na nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan noong Linggo, October 31.

Nag-post ng birthday greeting si James sa kanyang Instagram account para kay Nadine nitong Linggo.

Nakalagay sa caption na may ibibigay siya sa kapareha, pagbalik nito mula sa maiksing bakasyon sa South Korea.

Nitong Lunes nga, November 1, ipinost sa Instagram account ng Viva Artists Agency, ang kinabibilangang talent management arm ng JaDine, ang regalo ni James kay Nadine.

Ito ay isang teacup maltese puppy.

Pinangalanan ang nasabing puppy ng Clarky, batay sa pangalan ng karakter ni James sa ABS-CBN primetime series nila ni Nadine, ang On The Wings of Love.

This Is Clarky before meeting her mama @nadzlustre 🎁 gift from @jaye.wolf #teacupMALTESE

A photo posted by VAA (@vivaartistsagency) onNov 2, 2015 at 5:02am PST

Nag-post din si Nadine ng larawan ng alaga niyang tuta sa South Korea.

This one doesn't want to get up.. 💤

A photo posted by Nadine Lustre (@nadzlustre) onOct 31, 2015 at 4:10am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN