Manny Pacquiao offers free legal service to ‘tanim-bala’ victims

Ayon kay Sarangani Representative Manny Pacquiao, nakakahiya ang modus-operandi na ‘tanim-bala’ o ‘laglag-bala’ na nangyayari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Naaawa rin daw siya sa mga OFWs na nagiging biktima nito kaya nagtatag ng grupo ng mga abugado si Pacquiao para tumulong nang libre sa mga biktima.


Dahil sa sunud-sunod na insidente ng ‘tanim-bala’ o ‘laglag-bala’ sa Ninoy Aquino Intenational Airport (NAIA), nag-alok ng libreng legal service si Sarangani Representative at UNA senatorial candidate Manny Pacquiao sa mga biktima at sa maaari pang mabiktima ng nasabing modus operandi.

Base sa statement na ipinadala ni Manny sa iba’t ibang news organizations noong October 31, sinabi ng mambabatas na: "Dapat nating ikabahala at dapat bigyan ang agarang solusyon ang problema kahit pa totoo o hindi ang sinasabi ng pamahalaan na ito ay isolated incident lamang.

“Ang ganitong modus ay sumisira hindi lamang sa imahe ng ating bansa kundi pati na rin ang dangal at pagkatao ng mga inosenteng OFWs at iba pang biktima.”

Si Manny ay vice chairman ng House of Representatives committee on Overseas Filipino Workers’ (OFW) affairs.

Ibinigay na halimbawa ng Pambansang Kamao ang kaso ng 56-year-old na OFW na si Gloria Ortinez, na nahulihan diumano ng bala sa kanyang bagahe noong October 25, habang nasa NAIA patungong Hong Kong.

Pero mariing itinanggi ni Aling Gloria ang alegasyon laban sa kanya.

Saad ni Manny, “Pinalaya siya, subalit maibabalik pa ba nito ang kanyang nasirang dangal?

"Makakabalik pa kaya siya sa kanyang trabaho?

"Sino ang magbabayad sa kasiraang ginawa sa kanyang pagkatao?"

Kalaunan, pinalaya rin si Aling Gloria ng Pasay City Prosecutor's Office dahil magkaiba ang balang iprinisenta ng pulisya sa nahuli sa airport at sa naipakita sa korte.

Ang ikinakatakot ngayon ni Aling Gloria ay ang estado ng kanyang trabaho sa Hong Kong.

Dahil dito, may grupo ng mga abugado na itinalaga si Manny para tumulong sa mga biktima ng naturang modus operandi.

Maaaring tumawag kay Jojo Bondoc sa cell phone number na 09209211162 ang mga gustong mag-avail ng libreng legal service.

Kamakailan lamang ay kinondena rin ng Broadway star na si Lea Salonga ang naturang modus operandi sa NAIA, kung saan sangkot ang ilang empleyado dito, dahil kahiya-hiya raw ang ganitong mga gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Lea Salonga condemns 'laglag-bala' modus operandi in NAIA: "Nakakahiya. Sobrang nakakahiya."

Kahapon naman, November 2, na-bash si Kris Aquino, kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino, dahil sa kanyang post sa Instagram kung saan ikinuwento niya ang magandang karanasan niya sa eroplano at maging sa airport.

Sa comments section ay nagpaabot ng reklamo ang marami nitong followers dahil sa nakakaalarmang isyu sa airport.

Read: Kris Aquino bashed over airport-experience IG post; reminded by bashers about 'laglag bala' modus operandi

Ngayon, may plastic wrap na ang karamihan sa bagahe ng mga biyahero sa NAIA dahil sa takot na mabiktima sila ng 'tanim-bala.'

Apektado naman ang porters sa paliparan dahil halos wala nang kumukuha sa kanilang mga serbisyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN