Ina Raymundo: No sexy roles for daughter if she wants to enter showbiz

Ina Raymundo on her experience as a sexy star and her wish to spare her children from what she went through: "Hindi ako papayag na ma-exploit sila and yun ang na-experience ko. Na-exploit ako in so many ways but, you know, I will not allow that to happen sa mga anak ko."


Ayaw ni Ina Raymundo na sumunod sa yapak niya bilang dating sexy actress ang anak niyang babae.

Sabi niya, “No, no... hindi ako papayag.

“Unang-una, may choice silang mag-aral. Unlike me, wala akong choice.

“And they go to a decent school.

"So, meron silang option na magkaroon ng career na hindi nila kailangang gawin ang ginawa ko.

“Hindi ako papayag na ma-exploit sila and yun ang na-experience ko.

“Na-exploit ako in so many ways but, you know, I will not allow that to happen sa mga anak ko.”

Ayon kay Ina, nagmu-model ng mga damit ang five years old niyang anak na babae.

Kaya tinanong namin kung papayagan ba niyang mag-artista ang mga anak, lalo na’t magaganda at guwapo ang mga ito.

“Kung gusto nila talaga, wala akong magagawa.

“Pero kung ako ang masusunod, mas gusto kong matapos sila ng pag-aaral para may fallback sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ina sa taping ng GMA primetime series na Marimar, sa Marikina City, last week.


CHILDREN'S QUESTIONS. Lima ang anak ni Ina sa mister na si Brian Poturnak at napapanood daw ng mga bata ang Marimar.

Kuwento ng aktres, “Kapag may kaaway ako, nagagalit sila sa kaaway ko kahit ako naman talaga yung bad.

“Basta kampi sila sa akin or affected sila.

"Kapag kasama ko si Zoren [Legaspi], tinatanong nila, 'Who is he?'

“Sasabihin ko, ‘He’s my husband at Marimar.’

"Siyempre confused sila na bakit hindi yung daddy nila ang husband ko.

“I explained that, it’s just acting, it’s not real.”

Masaya si Ina sa karakter niya bilang Brenda Aldama sa Marimar.

“Happy ako, happy ako sa role ko. Bising-busy rin ako sa Marimar.

“Four days a week taping kami, three days a week.

"At maganda yung story, sinusubaybayan ko siya pag gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time ko rin na maging kontrabida. Pero yung pagkamaldita ko, parang funny.”

Unang beses lang din daw nilang magkasama ni Alice Dixson, na gumaganap bilang Mia Aldama, ina ni Marimar na ginagampanan naman ni Megan Young.

Naaaliw si Ina sa batuhan nila ng linya ni Alice.

“Very campy yung mga batuhan namin ng lines!” natatawang sabi Ina, na bilang kontrabida ay mahilig manlait sa karakter ni Alice.

KONTRABIDA ROLES. Na-challenge daw si Ina sa kontrabida roles.

Kaya okey as kanyang gumanap na kontrabida sa susunod niyang project.

“Yeah, why not, why not?

“Pero sa totoo lang, mahirap, e. Mahirap akong magalit.

“Ang lambing ng boses ko. Acting na acting ang boses ko.

"And, if ever, challenge talaga for me, lalo na yung sumisigaw.

“Mahirap sa akin yun.

"Dito, hindi ako sumisigaw. Poised na poised pa rin kahit nagmamaldita,” sabi ni Ina.

Masaya rin daw ang aktres sa Kapuso network.

Ngayon lang gumawa ng teleserye si Ina sa GMA Network dahil mas madalas siyang napapanood sa ABS-CBN noon.

Saad niya, “Happy talaga at saka yung role ko nga rito, mahaba, regular.

“Hindi namatay yung character or mamamatay yung character.

"Happy ako so it’s nice to be working and be active again."

Nauudlot daw kasi ang comeback ni Ina noon sa telebisyon dahil sa kanyang pagbubuntis.

“Ngayon, hindi na siya mauudlot,” pangako niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN