Ina Raymundo graces FHM cover 15 years after rejecting offer

Ina Raymundo's definition of sexy: "Kasi, fifteen years ago, it would be all about sexy lang, to tiltillate men. So, tama ang message ko na being sexy now is being strong. Strong is the new sexy. Hindi yung ipapakita mo lang ang cleavage mo, puwet mo."


Matapos ang 15 taon, tinanggap na ni Ina Raymundo ang alok ng FHM Magazine na maging cover girl nito.

“Finally, na-convince ako ng FHM, which is fifteen years in the making.

"So, kung natuloy raw talaga yun, pioneer nila ako. But everything happens for a reason.

“Kasi nga, magsu-shoot na kami nun, nagkasakit ako. So, na-cancel.

“Shortly after that, nabuntis na ako. Nagtuluy-tuloy na.

"But, you know, palagi nilang ina-ask kung kailan, ang tiyaga-tiyaga nila.

“Na, at that time, set na ang mind ko na I will never do it.

"Mahirap talagang magsalita ng never kasi makakain mo yung salita mo."

Kuwento pa ni Ina, “Actually, gusto nila akong mag-cover for September [2015] kasi yun daw ang biggest issue nila.

“So, nakipag-meeting ako sa kanila for the first time.

“E, dati, meeting lang ang gusto nila, pero palagi akong nagno-no.

"Kasi sa akin, huwag na lang, di ba?

“Pero for the first time, pumayag ako.

"Kasi naisip ko, kung si Mark Nicdao ang magiging photographer, okey sa akin.

“Pero September sana ang gusto nila.

"Kaso, nasa New York nung time na yun si Mark. Bising-busy siya.

“Kaya sabi ko, kung hindi siya puwede, hindi talaga puwede. Ganun yung mentality ko.

“E, pumuwede na siya, natuloy.

"Yun talaga ang request ko. Kasi sinuggest nila lahat ng magagaling na photographer.

“Talagang ka-level ni Mark. Pero gusto ko si Mark, e.

“Kasi, fan niya ako.

"Kapag nakikita ko mga photos niya, kahit sexy pa ang subject niya, nadya-justify.

“So, yung trust ko sa kanya, 100 percent.

"I know that I will be in good hands kapag siya."

PREPARATIONS. Pinaghandaan daw talaga ni Ina ang pictorial niya sa FHM, at ipinagmalaki niyang hindi kinailangang i-Photoshop ang pictures niya.

Natuwa ang mister ni Ina na si Brian Poturnak sa photo shoots ng aktres para sa FHM.

“Super, super proud siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nung nakita niya yung shoot, parang gusto niya ng baby number 6!” natawang sabi ni Ina, na lima na ang anak.

Patuloy niya, “Nakakatawa nga ang FHM.

“Sabi ko kasi, final answer na yung five [na anak].

"Sabi [nila], 'Are you sure?' Kasi, hindi naman daw ako ligated.

“Marami raw silang naging cover girl na nabubuntis right after na maging cover nila.

“So sabi ko, ‘Ganun ba yun? Nakakatakot!’

“Pero posible ngang mangyari yun if hindi mag-iingat, di ba? Kaya kami, super-ingat.”

Sa December 9 ang 40thbirthday ni Ina.

Isa raw itong dahilan kung bakit pumayag siya maging FHM cover girl.

“Parang I want to do something big.

"And, parang bata pa lang ako, madalas ko nang naririnig na life begins at 40.

“So, yun ang tumatak sa isip ko na when I’m 40, I’m gonna be fit.

“Kasi, di ba, for 14 years or 15 years na kaming married, yung devotion ko, for the kids.

“So ngayon, I want to do something for myself. Pero siyempre, hindi naman ibig sabihin na papabayaan ko ang mga anak ko.”


MESSAGE TO WOMEN. Nag-iba ba ang pagpu-pose niya nang sexy sa vintage-inspired pictorial ng FHM kumpara noong dalaga pa siya at kilalang Sabado Nights girl?

Saad niya, “Ang difference, actually mas fit ako ngayon kesa nung dalaga ako. Mas confident ako ngayon to pose.

“Actually, ito rin ang reason kung bakit ko ginawa ang FHM.

"Di ba, For Him Magazine ang ibig sabihin?

“But in my mind, For Her Magazine [din ito].

“Kasi I really want to encourage women, I really wanna inspire them that, you know, you can be fit at any age.

"Even with kids or without kids, you can be fit.

“Tapos, inisip ko nga, hindi natuloy ang FHM ko 15 years ago.

"Siguro now, 15 years later, I’m sending a stronger message to women na you can be so damn good about yourself at 40.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, 15 years ago, it would be all about sexy lang, to tiltillate men.

“So, tama ang message ko na being sexy now is being strong. Strong is the new sexy.

“Hindi yung ipapakita mo lang ang cleavage mo, puwet mo.

“Talagang strong is the new sexy. I’m sending a strong message to women.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN