Solenn Heussaff still keeping the date of her wedding to Nico Bolzico under wraps

Ayaw pa ring sabihin ni Solenn Heussaff kung kailan magaganap ang kasal nila ni Nico Bolzico, pero ang sigurado lang daw ay hindi ito gagawin sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.


Secret pa rin daw ang preparasyon na ginagawa nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico para sa kanilang kasal, o kung ngayong taon o sa 2016 gaganapin ang pag-iisang dibdib nila.

Ang sigurado lang daw, sa ibang bansa sila magpapakasal.

Dahil walang divorce sa Pilipinas?

“Hindi naman... well, siyempre naman, that’s an option.

"Not that I want to but it’s good to have the option.

“Gusto ko maliit na wedding lang, pero on the day ko na ipu-post.

“Parang album ni Beyonce, bigla na lang lalabas!” natawang pagkukumpara pa ni Solenn.

Hindi naman daw nahihirapan ang Kapuso actress na itago ang prepasyon ng kasal nila ni Nico dahil hindi rin naman daw siya ang punong-abala rito.

“Hindi talaga ako ang nagpi-prepare, busy ako… yung sister ko ang nag-aayos ng lahat.

"I really don’t like organizing stuff."

Ano naman ang pakiramdam na ikakasal na siya?

“Siyempre naman kinakabahan ako, kasi it’s for the rest of my life.

"Pero yun, excited ako."

Kaunti lang din daw ang mga imbitado sa kanyang kasal.

“Marami naman akong friends, pero yung gusto ko sa wedding ko… I want only my childhood friends.

“Kahit I love my friends now, pero yun lang, gusto ko lang talaga na maliit lang.”

Wala siyang mga kaibigan dito sa showbiz na makakasama niya sa wedding day niya?

“Si Lovi [Poe], si Heart [Evangelista], sila lang.”

Si Anne Curtis, na girlfriend ng kapatid niyang si Erwan Heussaff, ay kasama sa wedding entourage niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN