PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha airs disappointment over increasing number of ‘tanim-bala’ incidents at NAIA

Lani: “Nakakahiya naman talaga. Anong ikaka-proud mo dun?”
by Arniel C. Serato
Published Nov 4, 2015
Nahihiya raw ang singer na si Lani Misalucha sa naglipana ngayong mga insidente ng ‘tanim-bala’ sa NAIA na nakakarating na sa ibang bansa. Sabi ni Lani, “Nakakahiya naman talaga. Anong ikaka-proud mo dun?”

Naglabas ng kanyang pagkadismaya sa gobyerno ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha dahil sa talamak pa ring ‘tanim-bala’ modus operandi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod sa mga Pilipinong nabibiktima nito, may mga ilang dayuhan na ring nakararanas ng ganitong gawain ng ilang emplayedo ng NAIA.

Sabi ni Lani tungkol dito, “E, hindi nga, e, may mga foreigners nga na nabiktima din, e.

"Ano na lang ang magiging [imahe natin sa ibang bansa].

“Nakakahiya naman talaga. Anong ikaka-proud mo dun?”

Lumabas na rin sa iba’t ibang news organizations sa ibang bansa ang naturang balita. Ano ang masasabi ni Lani rito?

Tugon ng singer, “Sa totoo lang, sobrang pang-international talaga.

"Pero sa totoo lang, kasi Pilipinas tayo, e, at known pa tayo sa pagiging…

"Biro mo, pang-ilan na tayo sa most corrupt na country, worst airport, di ba?

“Kung puwede naman, kung meron namang puwede na magandang ilabas sa international news.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ilang taga-pamahalaan ay "isolated incident" lang daw ito.

Pero buwelta ni Lani, “Isolated? Paano naging isolated yun?”

Ano sa tingin niya ang dapat gawin ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino upang matigil na ang ganitong pangyayari sa NAIA?

Sabi ni Lani, “Ang para sa akin, I don’t know.

“Di ba, ang sabi nila, papa'no magbabago ang isang tao from a... kunwari let’s say drug addict o kaya isa kang masamang tao.

“Papa'no matsi-change ang isang taong yun towards sa kabutihan?

"Di ba, sabi lagi, dapat talaga it’s a change of heart. Totally change of heart.

"Kasi yung sariling tao, siya yung makapagbabago sa sarili niya, e.

“Dito sa atin, siguro palitan lahat, as in palitan lahat.”

Sa ngayon daw, hindi maiwasang mangamba rin si Lani na mabiktima ng naturang modus operandi dahil sa paroo’t parito niya sa bansa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa presscon ng Voice of the Nightingale concert, ngayong Miyerkules ng hapon, November 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Voice of the Nightingale ay ang concert ni Lani sa December 4 and 5, sa The Theater ng Solaire Resort and Casino, kung saan magiging special guest niya si Arnel Pineda.

Bahagi ng kikitain ng show ay mapupunta sa Bahay ni Maria Home for the Abandoned Grandmothers in Calamba at Little Sisters of the Poor-San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LOLA LANI. May apo na ngayon si Lani kaya excited daw siya laging bumalik sa Amerika pagkatapos ng kanyang commitments dito.

Sabi niya, “Iba yung pakiramdam sa totoo lang, iba talaga.

"Hindi ko ma-explain. The joy is just overwhelming."

Spoiled daw sa kanya si Joey, ang magda-dalawang taong gulang niyang apo sa kanyang pangalawang anak.

“Lalo na noong magwa-one year old pa lang siya.

"Kapag nasa bahay, papaliguan. Papakainin. Ilalabas ko at ibibili ng damit.”

Ano ba ang gusto niyang itawag sa kanya ng kanyang apo?

Sagot ni Lani, “Lola. Lola talaga.

"Kasi mga puti yung sa kabila [mga balae niya], Grandma at Grandpa sa kanila, kaya Lolo at Lola na lang sa amin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahihiya raw ang singer na si Lani Misalucha sa naglipana ngayong mga insidente ng ‘tanim-bala’ sa NAIA na nakakarating na sa ibang bansa. Sabi ni Lani, “Nakakahiya naman talaga. Anong ikaka-proud mo dun?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results