Arnel Pineda laughs off pabebe-wave incident in It's Showtime

Aminado si Arnel Pineda na may dating talaga sa kanya ang kasikatan ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ng Eat Bulaga kaya nagawa niya ang sikat na pabebe wave sa It’s Showtime kung saan naging guest siya kamakailan.


Natawa na lang ang Journey frontman na si Arnel Pineda nang mausisa tungkol sa kontrobersiyal na pabebe wave na ginawa niya nang mag-guest siya sa It’s Showtime noong October 10.

Nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado sa ginanap na “Clash Of Celebrity” segment ng naturang noontime show ng ABS-CBN.

Ang pabebe wave ay sumikat sa kalabang noontime show nitong Eat Bulaga! ng GMA Network.

Ito ay pinasikat ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Kalyeserye” segment ng show.

Nakangiting sabi ni Arnel tungkol dito, “Oo nga. Nag-apologize na naman na ako at hindi ko naman sinasadya yun.”

Read: Arnel Pineda apologizes for doing “Pabebe Wave” on It’s Showtime

Hindi man maituturing na fan ng AlDub, aminado ang singer na malakas talaga ang dating ng nasabing tambalan sa kanya.

“May mga ano nagtu-tweet sa akin. Grabe, Aldub... wala, e. Phenomenal, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Arnel sa presscon ng Voice of the Nightingale concert, kung saan guest siya ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Ang Voice of the Nightingale ay magaganap sa December 4 and 5 sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Mapupunta ang ilang porsiyento ng kikitain ng show sa Bahay ni Maria Home for the Abandoned Grandmothers in Calamba at Little Sisters of the Poor-San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly.


‘TANIM-BALA.’ Hindi rin nakalagpas kay Arnel ang masamang imahe ngayon ng bansa dahil sa ‘tanim-bala’ modus operandi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sabi niya, “Nakakahiya naman talaga kasi.

"Kasi kapwa natin Pilipino [Overseas Filipino Workers] tapos gagawan pa natin ng mga negosyo na nakakadiri pa ang style.

“Sana tulungan nga natin sila, sila yung nangingibang bayan, sila pa yung gigipitin natin.

“Ginagawa nila 'yan [pag-a-abroad] para sa mga pamilya nila, para mabigyan nila ng magandang kinabukasan, tapos gagawan pa nila ng ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ipagtatanggol ang bansa sa mga dayuhan niyang kaibigan kapag natanong siya tungkol dito?

Saad ni Arnel, “Well, hindi mo naman siya maidi-defend, ‘no.

"Pero ang ano na lang diyan… ang nakakapagpalubag-loob na lang diyan, e, hindi lang naman sa atin nangyayari 'yan.

“Sa South America, maraming ganyan.

"Kasi marami ring depressed areas dun, marami ring depressed countries dun na katulad natin ay third world pa rin.

"Sa Europe nga, merong mga ganyan, e."

Ano ba sa tingin niya ang dapat gawin ng gobyerno upang masugpo na ang talamak na modus operandi na ito sa NAIA?

Sabi ni Arnel, “Political will 'yan, e. Lalo na yung mananalo next year [2016 elections], yung mga tatakbo, sana talaga, sila yung mga kandidato na magkaroon sana ng political will.

"Yun ang wala sa atin, e.

“Lahat na nga ng klaseng batas nagawa na pero hindi nai-implement. Hindi naisasakilos, wala lang.

"Pagka panalo nila, nandun na yung nagiging cute na lang or ang pinakikisamahan na lang ay yung mga nag-endorse sa kanila.

“So, dapat talaga political will.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN