Louise delos Reyes hits back at netizens claiming they left out Jake Vargas at Bea Binene’s debut

Napikon si Louise delos Reyes sa mga akusasyon ng ibang netizens na sinadya umano nilang hindi isama si Jake Vargas sa photo nang magkita-kita ang cast ng Tween Academy: Class of 2012 sa birthday ni Bea Binene.


Hindi napigilan ni Louise delos Reyes ang sarili na sagutin ang ilang netizens na nagtataka kung bakit wala si Jake Vargas sa photo reunion ng mga dating bida sa GMA-7 youth oriented show na Tween Hearts.

Kinunan ang nasabing larawan sa debut party ni Bea Binene sa Manila Hotel nitong Martes, November 3, na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz.

Sa Instagram ni Louise, ipinost niya ang larawan kasama ang mga dating co-stars sa Tween Hearts na kinabibilangan nina Joshua Dionisio, Kristofer Martin, Ken Chan, Bea Binene, Barbie Forteza, Krystal Reyes, Joyce Ching, at Derrick Monasterio.

Wala sa picture ang ibang co-stars na sina Lexi Fernandez, Yassi Pressman, Elmo Magalona, at ang dalawa aktor na dumating sa event pero hindi kasama sa picture: sina Alden Richards at Jake Vargas.

Sa comments section, may mga nag-isip at nagsabing sinadyang hindi isali si Jake sa picture dahil ex-girlfriend niya ang debutante, si Bea, na dati ring ka-love team ni Jake.

Iniisip kasi ng ilan na may ilangan pa sa pagitan nina Bea at Jake.

LOUISE RESPONDS. Ito naman ang dahilan kaya sumagot si Louise.

Sinagot ni Louise ang mga kritiko at sinabing wala sila sa okasyon upang malaman ang totoong sitwasyon.

Nakiusap pa si Louise na maging positibo na lamang dahil ang nasabing event ay espesyal na araw ng kanilang kaibigan.

“Pwede bang wala kayo sa venue kaya hindi niyo alam ang nangyayari? We are celebrating our friends bday and we are not hating anyone. If that's the case sana wala na lang sya di ba? C'mon, you don't even know even 1/4 of the truth. Can we just spread love and positivity. What you see is what you get, get it?”

Ganito rin ang reaksiyon ng ilang netizens na nag-comment sa Instagram account ni Barbie matapos nitong i-post ang photo ng kanilang reunion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot din si Louise sa comment section.

Sinabi na wala na si Jake nang mag-picture-taking sila.

Nakiusap si Louise na mag-move on na sila mula sa isyu at inamin niyang nakakapikon na ang isyu.

“Alam niyo, umalis na kasi sya. Bakit ba paulit-ulit kayo? You're not even there to see what's happening, you don't know even 1/4 of the REAL story. We are just, again, celebrating Bea's debut, no hate just PURE friendship and love tested by time. Can we just all move-on? Answering for the sake of, medyo nakakapikon na. Peace out!”

Samantala, nasaksikhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang dumating si Jake sa event, kasama ang kanyang manager na si German Moreno.

Sa maiksing interview, sinabi ni Jake na kahit paano ay may pinagsamahan naman sila ni Bea.

Sinabi rin si Jake sa interview na umaasa siyang maging kumpleto ang cast ng Tween Hearts noong gabing iyon.

Mensahe naman ni Jake kay Bea: “Sana maging happy siya sa lahat. Sana maging happy siya sa 18thbirthday niya.”

Nang umakyat sa stage si Bea para sa pagsisimula ng programa, napansin ng PEP na wala na si Jake sa kinauupuan nito sa bandang harap ng stage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN