Sen. Lito Lapid faces graft case over alleged fertilizer fund scam

Senator Lito Lapid’s camp says he’s ready to prove innocence amid graft case filed against him at Sandiganbayan.


Handaw raw si Senator Lito Lapid na harapin ang kasong graft na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kahapon, November 4.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng actor-politician sa diumano’y fertilizer fund scam, noong nanunungkulan pa siya bilang gobernador ng Pampanga nung 2004.

Sabi sa isang bahagi ng opisyal na pahayag mula sa kampo ng senador ukol dito:

"Senator Manuel ‘Lito’ M. Lapid welcomes the filing of a formal complaint on alleged irregularities committed during his tenure as governor of the province of Pampanga.

“It was unfortunate that it took almost twelve years and the conclusion of his two full terms as a Senator of the Republic before such matter is put to the appropriate forum.”

Si Senator Lapid ay kakandidato bilang alkalde ng Angeles City, habang ang anak niyang si Mark Lapid ay tatakbo sa pagka-senador sa 2016 elections.


ANOMALOUS TRANSACTION? Ayon sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, November 5, dawit ang senador sa diumano’y maanomalyang pagbili ng 3,880 liters ng fertilizer mula sa Malayan Pacific Trading Corporation (MPTC) na nagkakahalaga ng P4.761 million.

Maging ang Macro-Micro Fertilizer Resources (DAVMMFR) na nagsu-supply ng naturang fertilizer sa MPTC ay sangkot din sa kaso.

Ito ay sa kadahilanang mayroon umanong sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na hindi dumaan sa pormal na bidding ang pakikipagtransaksiyon ng lokal na pamahalaan ng Pampanga sa MPTC at DAVMMFR.

Ayon pa sa impormasyong isinumite ng Office of the Ombudsman, napag-alamang si Senator Lapid mismo ang nagpatunay na walang ibang alternatibong produkto, kaya’t direktang kinuhang supplier ang MPTC ng Macro-Micro Foliar Fertilizer.

Kasabay nito ay kinuwestiyon ang bilis ng transaksiyon sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng Pampanga sa fertilizer products ng MPTC na umabot lamang ng labing-apat na araw.

Ngunit mariing pinabulaanan ng kampo ng senador ang alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Sabi pa sa opisyal na pahayag mula sa kampo ni Senator Lapid: "He sees this as an opportunity to once and for all prove that he is innocent of the charges brought against him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahaharap din sa kasong graft sina Pampanga provincial accountant Benjamin Yuzon at provincial treasurer Vergel Yabut.

Kabilang din sa kapwa-akusado ang dalawang incorporators ng MPTC na sina Ma. Victoria Aquino-Abubakar at Leolita Aquino, pati na rin ang may-ari ng DAVMMFR na si Dexter Alexander Vasquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN