Janicel Lubina makes it to Top 10 of Miss International 2015; Miss Venezuela wins the crown

Hindi man nasungkit ni Janicel Lubina (kanan) ang korona sa Miss International 2015, nakapasok pa rin siya sa Top 10 at itinanghal na Best Dresser; (kaliwa) Ang kandidata mula sa Venezuela na si Edymar Martinez ang itinanghal na Miss International 2015.


Nabigong masungkit ni Bb. Pilipinas-International 2015 Janicel Lubina ang Miss International title sa katatapos lang na international pageant nitong Huwebes, November 5.

Ginanap ang Miss International 2015 sa Grand Prince Hotel Takanawa sa Tokyo, Japan.

Ang itinanghal na Miss International 2015 ay si Edymar Martinez ng Venezuela.

Si Miss Venezuela ang nagmana ng korona ng Miss International 2014 na si Valerie Hernandez ng Puerto Rico.

Ang runners-up naman sa nasabing pageant ay ang mga sumusunod: 1st runner-up - Honduras (Jennifer Valle); 2nd runner-up - Kenya (Eunice Onyango); 3rd runner-up - Vietnam (Pham Hong Thuy Van); 4th runner-up - USA (Lindsay Becker).

Bukod sa korona, nakuha rin ni Miss Venezuela ang Miss Perfect Body award at inuwi naman ni Miss Japan (Arisa Nakagawa) ang Best in National Costume.

Tinanggap naman ni Janicel ang Best Dresser Award sa kanyang Swarovski-beaded gown na idinesenyo niya at ng fashion designer na si Leo Almodal.

Ang iba pang nakapasok sa Top 10 ay ang mga kandidata mula sa Brazil, Mexico, Thailand, at United Kingdom.

Sa kanyang speech, ikinuwento ni Janicel ang kanyang simpleng pinanggalingan, kagaya ng pagtatrabaho sa bukid habang inaalagaan ang mga nakababata niyang kapatid.

Gusto raw niyang maging ehemplo sa lahat na walang imposible sa mga pangarap.

"I would like to share my story to the world that poverty is not a hindrance to achieve success in life,” ani Janicel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN