Sarah Geronimo denies rumored breakup with Matteo Guidicelli: “Hindi po kami naghiwalay ni Matt.”

Sarah Geronimo says her relationship with Matteo Guidicelli is very much okay: “Hindi naman po kami naghiwalay ni Matt.”


“Hindi naman po kami naghiwalay ni Matt.”

Ito ang maiksing paglilinaw ni Sarah Geronimo tungkol sa usap-usapang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Sa press conference ng upcoming concert niyang From The Top kaninang tanghali, November 5, pilit na iniiwasan ni Sarah ang tanong tungkol sa kanyang boyfriend.

Kaya naman nang hingin ang kanyang paglilinaw sa paghihiwalay diumano nila, ang sinabi na lamang ni Sarah: “Alam niyo po, kahit anong sabihin ko diyan, wala akong control diyan.

“Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.

“Dumating na ako sa pagkakataon na isipin niyo kung ano ang gusto niyong isipin, sabihin niyo kung ano ang gusto niyong sabihin.”

Diin pa niya, “Alam ko kung ano ang buhay ko.

"Alam ko kung ano ang nangyayari sa amin.

"It's my decision to keep it to myself.”

Narito naman ang isang video na magpapatunay na okay pa rin sina Sarah at Matteo:

Happr bday Randy from AshMatt ♥ (c)rjflores82 pic.twitter.com/1CNtTwHzCm

— katherine (@kkkath000) October 29, 2015

Pinagbigyan na rin niya ang tanong tungkol sa usapin ng pagpapakasal.

Nakangiting sagot ni Sarah, “Siyempre, darating at darating 'yon.

“Malapit na po akong mag-30, marrying age na nga po ako, e.

“Pero alam ko rin sa sarili ko na marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. Malayu-layo pa.”

Aniya, pa “Wala naman pong seryosong pag-uusap.”

Hindi tiniyak ni Sarah kung makakarating siya sa MG1 concert ni Matteo sa November 28 at kung makakarating si Matteo sa From the Top concert niya sa December 4 and 5.

Ang tanging sagot lamang niya, “Magiging busy kasi kami pareho. Napag-usapan po namin na as much as possible, i-separate namin ang trabaho ng isa't isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN