Robin Padilla surrenders high-powered guns in Camp Crame

Ayon kay Mariel Rodriguez, mas ipinakita ng kanyang mister na si Robin Padilla ang tunay nitong pagkalalaki nang isuko nito ang kanyang mga armas sa mga awtoridad.


Nagsadya ang action star na si Robin Padilla sa Camp Crame upang isuko ang kanyang high-powered guns.

Ito ay base sa tweet ng ABS-CBN journalist na si Jeck Batallones ngayong Biyernes ng tanghali, November 6.

Kalakip ng nasabing tweet ang ilang larawan kung saan ipinapakita ang pag-surrender ng ilan sa mga baril ni Robin sa mga awtoridad:

(Photo from Jeck Batalliones' Twitter)

(Photo from Jeck Batalliones' Twitter)

Kasunod nito ay nag-post naman ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez ng larawan ng aktuwal na pagsuko ng aktor ng kanyang mga armas.

Ani Mariel sa caption: “I am so proud of you! It makes you so much of a real Man to surrender your guns! @robinhoodpadilla”

Taglay rin ng nasabing post ang hashtag na #RobinPadillaForPeace.

Ang nasabing hakbang na ito ng aktor ay may kinalaman sa insidente kung saan may mga natagpuang armas, droga, at sex toys sa mga selda sa New Bilibid Prison.

Sa kanyang Facebook account, hinimok din ni Robin ang mga tao na panoorin ang kanyang dating pelikulang Anak ni Baby Ama, kung saan tinalakay ang ilan sa mga problema sa bilangguan.

Mga kapanalig!! Sa mga nangyayari ngayon sa loob ng new bilibid prisons mainam na Ating panooring muli ang "HARI NG...

Posted by Robin Padilla on Thursday, November 5, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN