Rocco Nacino experiences vertigo attack during taping

Rocco Nacino realized that he is no Superman. The Kapuso actor had to rush to the hospital today because he cannot function properly during the taping of his GMA primetime series. He later found out that he had a vertigo attack.


Napatunayan ng Kapuso actor na si Rocco Nacino na totoo ang kasabihang "health is wealth."

Kinailangang mag-pull out ni Rocco sa taping ng GMA primetime series na Beautiful Strangers ngayong araw, November 6, dahil sa pagkahilo.

Agad namang nagtungo sa Medical City ang aktor at dito ay nalamang nakaranas siya ng "benign positional vertigo" o BPV.

Ayon sa healthline.com, ang benign positional vertigo ay ang "most common cause of vertigo. It causes a sudden sensation of spinning. It can also make you feel like your head is spinning from the inside."


Sabi pa ni Rocco sa kanyang Instagram post ngayong hapon: "Overfatigue from work, low immune system, and all my infections led to this: a blood test tomorrow to check what's wrong with me."

Kaya payo niya: "Guys magpahinga kayo palagi at magVitamins araw araw! Wag ako gayahin! Haha Health is wealth! Totoo yan!"

Si Rocco, na isang registered nurse, ay isa ring blue belter sa Jiu Jitsu at nakikipag-compete na sa ibang bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN