Alden Richards sings theme song of GMA Network's Christmas station ID

GMA Network has chosen Pambansang Bae Alden Richards to sing the theme song of the Kapuso network Christmas station ID this year titled "MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko."


Isang kumpirmasyon na si Alden Richards ang pinakamalaking Kapuso artist ngayon ang pagkanta niya ng theme song para sa Christmas station ID ng GMA Network ngayong 2015.

Inilabas ng GMA Network sa Facebook ang video ng recording session ni Alden para sa awiting may titulong "MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko" ngayong Biyernes ng gabi, November 6.

Ang "MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko" ay isinulat nina BJ Camaya at Clare Yee at nilapatan ng musika ni Simon Tan.

Kung noong mga nakaraang taon ay ang mga lehitimong singers o halos lahat ng Kapuso stars ang kumakanta ng theme song Christmas station ID, ngayong taon ay si Alden lamang ang kumanta nito.

Halatang enjoy na enjoy naman si Alden habang ini-record ang kanta at panay rin ang pagpapakuwela niya; na sinasabing nakuha ng Pambansang Bae mula nang maging co-host siya sa Eat Bulaga.



Inaasahang lalabas ang Christmas Station ID ng GMA Network sa susunod na linggo.

Tampok dito ang lahat ng Kapuso stars, sa pangunguna ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ang phenomenal AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza.

View: AlDub, DongYan featured in GMA-7 2015 Christmas station ID

Sa kasalukuyan ay napapanood si Alden sa noontime shows na Eat Bulaga! (Lunes hanggang Sabado) at Sunday Pinasaya (tuwing Linggo).

Usap-usapan din na magbibida sa isang primetime series si Alden katambal si Maine sa 2016.

Pero bago ito ay mapapanood muna sila sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na My Bebe Love, kasama sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Bukod sa pagiging aktor at TV host, isa ring recording artist si Alden.

Sa katunayan, umabot na sa Platinum status ang album niya sa GMA Records na Wish I May.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN