Ex-SexBomb dancer Sugar Mercado files VAWC complaint against husband

Aside from filing a VAWC complaint, ex-SexBomb dancer Sugar Mercado seeks TPO from Quezon City Prosecutor's Office against her husband Kristofer Jay Go.


Sinampahan ng dating SexBomb dancer na si Sugar Mercado ang mister niyang si Kristofer Jay Go ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, isinumite ni Sugar ang kanyang sinumpaang salaysay sa Quezon City Prosecutor's Office kahapon, November 6.

Dito ay inilihad ni Sugar na biktima siya ng paulit-ulit na emosyunal at pisikal na pang-aabuso ng kanyang mister mula 2010.

Maging ang mga magulang ng kanyang mister ay dawit sa reklamong isinampa ni Sugar.

Naglakas-loob si Sugar na pormal na maghain ng reklamo laban kay Kristofer sa tulong ng Gabriela Women's Party.

Ito ay matapos umanong pagbantaan ang kanyang buhay at pananakot mula sa kanyang mister na ilalayo nito ang kanilang mga anak sa kanya.

Bunsod nito, naghain ng petisyon si Sugar na mag-isyu ang Quezon City Prosecutor's Office ng temporary protection order (TPO) laban kay Kristofer.

Hiniling din ng dating Sexbomb dancer na ibigay sa kanya ang kustodiya ng kanyang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN