Is Pokwang the new Comedy Queen of Kapamilya network?

Pokwang on returning to Banana Split (now Banana Sundae): "Itong pamilya. Ganun naman, di ba, parang aalis ka muna sa bahay mo, pero nandoon yung pamilya mo, naghihintay. Babalik at babalikan mo, kumbaga. Iba yung samahan ng grupong ito kaya hindi ako magtataka kung bakit umabot ito ng seven years."


Sinasabing nang umalis si Ai-Ai delas Alas sa bakuran ng ABS-CBN at lumipat sa GMA Network ay nabakante ang titulong Comedy Queen sa Kapamilya Network.

Kaya ang tanong ng press kay Pokwang ay paninindigan na ba niya ngayon ang pagiging Comedy Queen.

Tugon niya, “Wow, Comedy Queen talaga!

“Hindi naman po ako iyon. Alam naman natin kung sino si Comedy Queen.”

Pero bakante nga ang trono sa Kapamilya network?

“A, talaga po ba? Basta ako, masaya lang ako na kasama ko sila ulit [Banana Sundae cast]. Iyon lang po iyon.

“Basta happy ako na nagkasama-sama kami ulit at join forces kami na magbibigay po ng saya every Sunday.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Pokwang sa presscon ng Banana Sundae (dating Banana Split) noong Huwebes, Nobyembre 5, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Pagkatapos ng presscon proper ay kaagad nilapitan ng PEP si Pokwang upang usisain pa tungkol sa naturang isyu.

Ano ang reaksiyon niya na iniuugnay ang pangalan niya sa titulong Comedy Queen?

“Sino ba naman ako para mag-inarte? Alam naman natin na si Ai-Ai naman iyon, di ba?

“Siyempre ako, I have my own way para magpasaya ng mga ito, iyon lang.

“Ang importante nakakapagpasaya ka, iyon lang iyon.”

Paano kung ang mga tao at maging ang ABS-CBN na ang magbigay sa kanya ng titulong ito?

“Basta ako, magtatrabaho lang ako, bahala na sila,” sabi niya.

BACK TO BANANA SUNDAE. Unang nakilala bilang isa sa magagaling na mga komedyante sa Philippine showbiz si Pokwang.

Pero noong nakaraang taon hanggang ngayong taon ay nabigyan siya ng mga seryosong proyekto sa telebisyon at pelikula, kung saan naipakita niya ang kanyang kakayahan sa drama.

Ilan sa mga proyektong ito ang pelikulang Edsa Woolworth, ang mga teleseryeng Nathaniel at Mirabella, at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-komedya sa telebisyon si Pokwang sa pagkakasali niya sa cast ng comedy-gag show na Banana Sundae, ang dating Banana Split na binago ang titulo dahil simula sa Nobyembre 15 ay mapapanood na ito tuwing Linggo.

Kung tutuusin, nagbabalik lang din si Pokwang sa show dahil naging bahagi siya ng Banana Split mula 2009 hanggang 2011.

Bakit siya nagdesisyong bumalik sa show ngayong Banana Sundae na ito?

Ayon kay Pokwang, “Noong nag-guest po ako bilang isa po ako sa mga cast dati, nag-guest po ako sa anniversary, siguro po na-miss po ako nila Tita LT [Linggit Tan-Marasigan, executive-in-charge of production].

“Yun nga, na-miss nila ako, kinausap po ako ni Tita LT kung puwede akong bumalik.

“So, sabi ko, ‘Siyempre, why not?’ Tutal mga anak-anakan ko naman po lahat itong mga ito.

“And nami-miss ko na rin po talagang mag-comedy din.”

Ang tinutukoy ni Pokwang na mga anak-anakan niya sa show ay ang iba pang cast members na kinabibilangan nina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Pooh, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC de Vera, Jobert Austria, Badji Mortiz, at ang bagong sali na si Jessy Mendiola.

Ano ang mayroon sa Banana Sundae kaya ginusto niyang bumalik ulit sa show?

Sabi ni Pokwang, “Itong pamilya. Ganun naman, di ba, parang aalis ka muna sa bahay mo, pero nandoon yung pamilya mo, naghihintay.

“Babalik at babalikan mo, kumbaga.

“Iba yung samahan ng grupong ito kaya hindi ako magtataka kung bakit umabot ito ng seven years.

“At saka kahit hindi kami nagkikita-kita ng mga iyan, alam mo iyong sa text, kumustahan.

“Pag minsan napapadalaw ako, nagdadala ako ng pagkain kagaya ng dating ginagawa ko.”

MISSING LEE. Kumusta naman sila ng boyfriend niyang si Lee O’Brien?

Aniya, “Okay naman kami.

“Pabalik palang siya itong November 18. Magwa-one month na siyang wala.”

Aminado si Pokwang na na-miss niya ang kasintahan nang bumalik ito sa Amerika. Pero may mga way of communication naman sila habang magkalayo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, naku, nandiyan naman ang Facetime. Alam n’yo naman ang Facetime at saka mga text-text, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN