Alden Richards draws about 50,000 people to Iloilo mall show

Tinatayang nasa 50,000 katao ang dumagsa sa Robinsons Place Iloilo para sa Kapuso Fans Day ng Pambansang Bae na si Alden Richards nitong Biyernes ng gabi, November 6.


"Mall Show King" na ang bagong bansag sa Kapuso actor na si Alden Richards.

Ito ay dahil sa napakaraming taong dumadagsa sa mall shows niya sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Kagaya na lamang ng Kapuso Fans Day ni Alden sa Robinsons Place Iloilo nitong Biyernes ng gabi, November 6.

Ayon sa assistant VP for Regional Operations ng GMA Network na si Oliver Amoroso, tinatayang nasa 50,000 ang mga taong dumagsa sa solo mall show ni Alden sa Iloilo.

Ibig sabihin, halos kasing dami ito ng mga taong nanood ng "Sa Tamang Panahon" concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena, na mayroong 55,000 seating capacity.

Narito ang report ni Oliver kaugnay ng Iloilo show ni Alden:

"Alden rocks Iloilo! Alden again made history tonight (Nov 6) in Iloilo.

"As per local security and mall marketing, crowd estimate is at 50k.

"All roads leading to the venue were occupied with people. They arrived as early as 11 amand stayed until the event was over. Some even camped out at Robinsons grounds.

"You don't see people at the other side of the city, no traffic or vehicles, as the people were all around Robinsons.

"If I had goosebumps in Cebu, here in Iloilo, I am very, very amazed."

Bago ang Iloilo show ni Alden, ang huling lugar na pinuntahan ng Pambansang Bae ay sa Cebu kung saan umapaw rin ang mga tao sa Gaisano Island Mall.

Halos ganito rin ang naging pagtanggap ng mga tao kay Alden sa mga mall show niya sa Cavite, Bulacan, at sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Dapat ay alas-singko ng hapon magsisimula ang mall show ni Alden sa Iloilo, pero na-delay ang flight niya kaya halos 9 P.M. na siya nakasampa sa stage.

Nag-post din si Amoroso ng ilang larawan na kuha mula sa mall show ni Alden sa Iloilo, bilang patunay kung gaano ito dinumog ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya sa kanyang Facebook post: "It's already 3:15AM and still we couldn’t believe how many people thronged to see Alden Richards at his Kapuso Fans Day in Iloilo last night.

"Before posting these photos, I waited for this text from the Iloilo City Police Office (note that I am posting the actual text): 'sir/maam rpt on vip visit. At about 8pm ths date nov 6, 2015 gma kapuso actor Alden Richard visited Robinsons Place Iloilo City during the gma kapuso fans day. Said activity peacefuly ended at about 9:40pm same date with estimated crowd of more or less 50 thousand. For info.'

"After reading the text, we can now conclude that this is the biggest crowd of any solo star we've brought to Iloilo for an event. You've made Alden's year, Iloilo! 😃

"Madamo gid nga salamat, mga Kapusong Ilonggo! To God be the glory. ‪#‎KapusoFansDayWithAlden‬"


Si Alden naman ay nagpasalamat din sa mga Ilonggo sa pamamagitan ng kanyang Twitter account:

Madamo nga salamat mga Kapusong Ilonggo!!! ALDUB you all!!! Glory to God!!! 🙏🏻 pic.twitter.com/yVNKvXueHF

— Alden Richards (@aldenrichards02) November 6, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN