Alma Moreno on senatorial bid: “Ipinagdasal ko na i-guide ako. Hindi ako basta nagdedesisyon.”

Actress and incumbent Parañaque councilor Alma Moreno explains what urged her to pursue senatorial bid: “So, bago po ako pumayag, yung mga kapwa kasamahan ko sa Philippine Councilors League, sila rin po ang nagsasabing tumakbo para ipagpatuloy ko yung ginagawa ko po sa paggawa ng batas.”


Kumpirmado na ang pagtakbo ng '80s actress na si Alma Moreno sa pagka-senador ngayong mamamaalam na siya sa pagka-konsehal sa Parañaque bilang pinakahuling termino na niya.

Ipinaliwanag ni Alma kung bakit Lacsamana Alma Moreno ang ikinakampanya niyang pangalan sa pagtakbo niya.

“Kasi po, mas kilala ako na Alma Moreno.

“Pero kailangan po na yung Lacsamana ang ilagay talaga, e. Kasi po, sa balota.

“Kailangan yung family name Lacsamana, Lacsamana Alma Moreno. Pinakiusapan ko na, pero hindi talaga puwede.

“Hindi puwede na Alma Moreno lang. Hindi maka-count yun.

“Anyway, nung tumakbo ako sa Parañaque, Lacsamana Alma Moreno na ako.

"Kaya tuluy-tuloy. Kailangang ikaso pa yun para maging Alma Moreno.

“Saka number po ang ilalagay [sa balota]. Pero importante pa ring may nakikitang Lacsamana Alma Moreno.”

“Kapag nag-i-speech ako, tinatanong ko yung mga tao, 'Anong family name ko nung dalaga ako?'

“Lacsamana! Alam nila. Siguro dahil ipinakilala ako noon bilang Vanessa Lacsamana kaya natatandaan nila.

“Yung kasing-edad ko, naaalala, pero yung mga bata ngayon, hindi pa.

"Kaya medyo ipinagdidiinan namin yung Lacsamana. Nagpapakilala ako na Lacsamana Alma Moreno.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at iba pang piling miyembro ng media si Alma sa intimate press conference para sa kanya, na ginanap sa Heritage Hotel, noong November 3.


NOT BOTHERED BY WEIGHT ISSUE. Nagpasakalye muna si Alma sa kanyang pangangatawan bago itinuloy ang tanungan.

Nakangiting sabi ng dating sexy star, “Ilang dekada na ako sa showbiz. Kaya lang, mukhang nagulat kayo kasi malaki ako ngayon.

“Konting kuwento lang... tuwing meron kaming sorties, isa lang ho ang lagi kong naririnig.

"Akala nila pagbaba ko sa kotse, 'Si Alma! Si Alma!'

“Akala nila si Alma na makikita nila yung Alma na payat noon.

“Sa tuwing nasa entablado ako, lagi kong sinasabi na, 'Sumasama ang loob ko, akala ninyo na yung Alma na akala ninyo, yung Alma na payat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Pero ang Alma ngayon, yung tumaba, ang taba-taba ngayon.

“'Pero kayo, binabalikan ko, may asim pa rin si Alma.' O, di ba?”

Kabado si Alma sa presscon kahit karamihan sa mga nasa harap niyang scribes ay matagal na niyang kakilala.


WHY IS SHE RUNNING FOR SENATOR? Naging kampante na siya nang mapag-usapan ang tungkol sa hindi niya pagtakbo sa pagka-mayor ng Parañaque at sa halip ay mas pinili niya ang senatorial position.

Paliwanag ni Alma, “Unang-una po, hindi ko plinano talaga na tatakbuhin kong pagka-senator.

“Yung sa Parañaque, puro kaibigan at kakampi ko po lahat. Nangingibabaw pa rin ang pagkakaibigan at pamilya.

“Unang-una po, yung mayor doon na si Mayor Edwin Olivarez, sobrang kakampi namin, ka-ticket ko po yun mula’t sapul magkakasama kami.

“Congressman? Kasama po rin namin si Congressman Eric Olivarez sa District 1... Tambunting.

"So, wala po talaga. Wala po talagang plano.

"Biglang 'eto po [senatorial bid]... Ipinagdasal ko po muna ito bago ko tinanggap.

“Kasi, marami pong nagsasabi sa akin na puwede ka nang mag-senator.

“Kasi noong una po, puwede ako noon sa second term ko. Pero mismong mga anak ko ang hindi pumayag noon.

“So, bago po ako pumayag, yung mga kapwa kasamahan ko sa Philippine Councilors League, sila rin po ang nagsasabing tumakbo para ipagpatuloy ko yung ginagawa ko po sa paggawa ng batas.

“Ipinagdasal ko na i-guide ako. Hindi ako basta nagdedesisyon.

"Kilala ninyo ako sa pagdarasal. Hindi ako biglang tatakbo ako ngayon.

“Unang-una, kinunsider ko yung health.

"Yung mga anak ko po, sila ang unang tinanong ko muna.

"Yung mga anak ko, 'Mama, magpa-check up ka.' Nagpa-check up ako, nakabantay sila.

“Sa awa ng Diyos, kung talagang ayaw ako para doon [senatorial bid] lalabas yun, e, [health check-up result].

"Kayang-kaya. Tinanong ko si Doc. Tinanong nila, sabi, kaya."

“Lord, i-guide mo ako kung ano po talaga. Wala pa akong partido noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lord, iikot lang ako, gagawin ko ang trabaho ko bilang konsehal bilang chairman ng Philippine Councilors League, iikot ako kung ano ang trabaho ko doon.

“Kailangang bumaba ako sa mga konsehal kung ano meron sa Philippine Councilors League para sa pagka-konsehal.

“Hanggang sa last minute po, tinawagan ako ng UNA [United Nationalist Alliance] na kukunin nila ako bilang senador.

“Kasi wala na po sa isip ko. Sabi ko, wala na.

"Mangangampanya ako para kay Vandolph. Aayusin ko yung kampanya para kay Vandolph.”

Si Vandolph ay tatakbong konsehal sa Parañaque bilang hahalili sa puwestong iiwan ng kanyang ina.

Patuloy pa ni Alma, “Sa Panginoon pa rin po ako humawak. Siya po ang nagga-guide hanggang ngayon sa akin.

“Kaya po nandito ako. Kaya para sabihing basta lang ako nag-unwind, hindi po.

"Hindi po ako nagbalak na maging mayor, maging politiko, hindi po.”


ACHIEVEMENTS. Maging sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada ay pabor daw sa pagtakbo ni Alma sa Senate dahil sa achievement nito sa kanyang nasasakupan at pamunuan ang halos 17,000 councilor members sa ilalim ng Philippine Councilors League.

Komento ni Alma tungkol dito, “Noong naging secretary general po ako tapos naging presidente ako, hindi po biro yung pinagdaanan ko.

"Dahil ang bumoto sa akin doon ay kapwa ko konsehal. May lawyer, engineer, teacher..

“Ibig sabihin, hindi po puwedeng yung pagka-masa mo ilagay mo doon. Hindi.

“Tinitingnan nila [yung kakayahan mo].

"Tapos, tumakbo ako sa pagka-chairperson, ibinoto po uli ako.

“May mga kalaban din po ako noon.

"Ibig sabihin, naniniwala pa rin sila. Naniniwala sila sa akin yung Philippine Councilors League.”

Pinakamalaking achievement daw ni Alma sa siyam na taon niyang panunungkulan ay maging presidente at chairwoman ng Philippine Councilors League.

Saad niya, “Kasi po marami pong councilors ang sumubok, pumasok sa liga.

"National Secretary General po ako agad, first time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At para malusutan ko po yung pagka-Konsehal…

“Yun po ang malaking bagay na nagawa ko na nakakaabante po ako sa iba. Yung kapwa ko mga councilors ang kasama ko po.

"Nag-serve ako ng siyam na taon. Hindi po biro yun.

“Sa Parañaque po, nag-serve po ako dahil pagkatotoo ako, yung may puso sa masa, yung project ko sa mga kababaihan, hindi ko po binitiwan.

“Mula’t sapul po, yun ang priority ko—tulungan ang mga kababaihan na inaapi, na-rape, naabuso.

“Kung ano po, nandiyan po ako.

"At yung project sa health, mga gamot, libreng gamot sa masa... yung nebulizer ko na walang tigil.

"Kung titignan po, maliit lang po yun, pero marami pong natutulungan.

“Yung gamot, puwera lang antibiotic, dahil bawal pong magbigay yun nang walang prescription ng doctor.

“Yun po ang tuluy-tuloy hanggang ngayon.

"Meron po akong libreng libing foundation na time pa po ni Joey Marquez. Hanggang ngayon, itinutuloy ko po yun.

“Saka yung ALMA CARES na si Vandolph ang chairman ngayon doon, siya ang nagpapatakbo.

"Katulad ng may sunog, nandoon agad yung mga tao, naka-deploy kaagad, namimigay agad ng goods.

“Pag may bagyo, agad-agad ang nag-aabot ng tulong, mga emergency services po. Ilang years po nandun yun.”

Kapag nahalal daw si Alma, ang isa sa mga pagtutuunan niya ay ang batas para pangalagaan ang mga kababaihan at isulong ang kampanya laban sa Violence Against Women.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN