Are Maine Mendoza and Alden Richards the new Guy and Pip?

Alden Richards and Maine Mendoza perform together in today's episode of Eat Bulaga. The phenomenal AlDub love team impersonated the very popular '70s love team of Guy & Pip or Nora Aunor and Tirso Cruz III.


Sina Guy & Pip ang ginaya nina Maine Mendoza at Alden Richards sa special performance nila sa "Gaya Gaya Pa More" grand finals ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, November 7.

Guy & Pip ang palayaw at tawag sa very popular love team noong '70s nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Kanina sa Eat Bulaga! ay ni-lip sync nina Alden at Maine ang ilan sa mga pinasikat na kanta nina Guy at Pip: "Maria Leonora Teresa", "Tiny Bubble", "Pearly Shells", at "Together Again."

Bagamat pareho pang aktibo sa pag-arte sina Nora, 62, at Tirso, 63, marami sa mga kabataan ngayon ang hindi alam kung gaano kasikat ang tambalan nila noong dekada '70.

Ito ang mga panahong talagang nag-iiyakan at nakikipag-away ang fans para sa kanilang mga idolo.

Mula 1969 hanggang late '70s ay nakagawa ng mahigit 40 pelikula sina Guy at Pip.

Karamihan dito ay romantic-comedies at musicals na bumasag ng records sa box-office.

Pareho rin silang singers kaya nakagawa sila ng albums na pumatok din sa publiko.

Noong kasagsagan ng kanilang kasikatan din nakilala bilang Superstar si Nora.

Habang nagkakaedad sila ay nagiging mabigat din ang roles na ginagampanan nila sa mga pelikula.

Kinilala rin ang kanilang husay sa pag-arte at nanalo ng maraming acting awards.

Sa tunay na buhay rin ay nagkaroon sila ng romantic relationship.

NEW GUY & PIP? Marami ang nagsasabing sina Maine at Alden ang Guy & Pip ng bagong henerasyon.

Maihahalintulad daw kasi ang kasikatan ng Guy & Pip noon sa AlDub love team ngayon.

Bagamat lagpas pa lamang ng apat na buwan mula nang mabuo ang AlDub ay itinuturing na itong phenomenal.

Ito ay dahil sa lakas ng hatak nila sa social media at sa dami ng kanilang TV commercials.

Hindi pa naipapalabas ang unang pelikula nila, ang My Bebe Love, ngunit marami ang humuhulang ito ang magiging topgrosser sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na rin ang nag-aabang sa unang teleserye na gagawin nila at sa first starring role nilang dalawa sa pelikula.

Maliban dito, maikukumpara rin daw ang physical features nina Nora at Tirso kina Maine, 20, at Alden, 23.

Parehong hindi kaputian sina Nora at Maine, bagamat hindi naman masyadong maliit si Maine kumpara kay Nora.

Sina Tirso at Alden naman daw ay parehong matangkad at mestizo.

Sa puntong ito ay masyado pang maaga na maikumpara sina Maine at Alden kina Guy at Pip dahil bago pa lamang ang kanilang tambalan.

Ngunit hindi maikakailang sa maikling panahon na iyon ay nakagawa ng marka ang AlDub sa industriya na mahirap nang mapantayan ng ibang love teams.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN