Sarah Geronimo admits apprehension about doing a concert at Philippine Arena

Sarah Geronimo admits she's not yet ready to do a concert at the Philippine Arena: “Hindi ko pa po nakikita. Kung posible man, hindi ko pa po nakikita. Kailangan kong maging prepared para po diyan... Prepared sa mga performances kung anuman ang maibibigay ko sa mga tao and songs.”


Low-profile at humble pa rin ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo pagdating sa kanyang kasikatan.

Kung tutuusin, sa mga local singers at artista, masasabing isa siya sa pinakasikat dahil talagang napupuno ang concerts niya at box-office hits ang mga pelikula niya.

Magkakaroon si Sarah ng two-night concert, ang From The Top, sa December 4 at 5 sa Araneta Coliseum.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah kung bakit hindi sa mas malaking venue siya mag-concert, tulad ng Philippine Arena, lalo pa nga’t ang first night ng concert niya ay soldout na agad.

Pahayag ng Kapamilya singer-actress, “Napakalaki naman po ng Philippine Arena.

“Kahit nga po Music Museum, okey na ako.

"Pero mas gusto ni Boss Vic [del Rosario, Viva big boss] sa big venue, so big venue!"

Ang Philippine Arena ay may seating capacity na 55,000; habang ang Araneta Coliseum ay may seating capacity na 16,500.

Hindi niya naisip ang Philippine Arena?

“Ay, ayoko sa Philippine Arena!” ang natatawa at tila nalulang sabi ni Sarah.

Dugtong pa niya, “Solved na po ako sa Araneta.”

Baka siya na ang local singer na puwede ring makapagpapuno ng Philippine Arena?

Pero aniya, “Hindi ko pa po nakikita.

“Kung posible man, hindi ko pa po nakikita.

"Kailangan kong maging prepared para po diyan...

“Prepared sa mga performances, kung anuman ang maibibigay ko sa mga tao and songs.

“Yung production, kailangan worth it talaga yung magiging concert mo sa ganung klaseng kalaking venue.”

Aminado naman si Sarah na pangarap din niya bilang isang concert artist na makapagpapuno ng ganun kalaking venue.

“Masarap sa pakiramdam na makita mong maraming nanonood sa 'yo, pero okey na… kalma po muna ako!” natawa niyang sabi.


ARTISTIC VISION. Bilang isang artist, ang gusto raw talaga ni Sarah na may “sense” ang lahat ng ginagawa niya.

“Ako, ang nakikita ko, kahit hindi ko pa siya natutumbok talaga, gusto ko lang po na may sense lahat ng gagawin kong songs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang siya para ma-please ang eyes ng mga tao or ma-please ang mga tenga nila.

“Gusto ko, may aral na maibibigay sa mga tao, inspirasyon, sa lahat ng projects na gagawin.”

Naikuwento rin ni Sarah na may naisulat siyang kanta, ang “Make Me Yours,” na collaboration niya with Louie Ocampo.

“Yun pa lang, so hopefully masundan.”

Parang may hugot yung kanta?

“Love song din po siya. About my faith.

"Love song po siya para kay Lord talaga."


NOT YET AT HER PEAK. Napa-“susmaryosep!” si Sarah nang tanungin kung sa title ng concert niya na From The Top, ang ibig sabihin nito ay tinitingnan niya ang sarili na nasa “top” na talaga siya pagdating sa kanyang career.

“No, hindi ganun!” tawa pa niya.

Pero ano nga ba ang pakiramdam ng nasa itaas? May kasabihan kasing “It’s lonely at the top.”

Ayon kay Sarah, “Never ko naman pong naramdaman na nasa top.

“Kasi, ang depinisyon ko naman ng sikat, yun, sina Justin Bieber, yung talagang wala na silang buhay.”

Ayaw niya ng ganun kung sakali?

“Whew, ang deep na ng conversation natin!” natawang sabi niya.

“Well, yun ang mga pinag-iisipan ko po. Hindi maiiwasang dumadaan sa isip.”

Natawa siya ulit nang tanungin ng PEP kung ano ang tawag niya sa kung anumang mayroon siya sa career niya ngayon, kung hindi pa niya ito matatawag na ganap na “kasikatan.”

Pag-ulit niya, “Anong tawag po sa buhay ko ngayon?

“Siguro ano lang ako, ito yung kailangan kong ipagpasalamat.

“Kasi, hindi ako katulad nila Justin Bieber, yung mga nasa international na wala na talaga silang buhay dahil... as in, paparazzi pa lang, ubos na ubos na sila.

“Ako, may mga bagay pa rin na naitatago ko sa sarili ko, sa pamilya ko.”

Pero sa local artists, isa siya sa maituturing talagang sikat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat po,” sambit niya. “Nabibilang lang naman po, tsumatsamba lang naman.”

Nararamdaman ba niyang wala pa siya sa peak ng career niya?

“Ako po, as an artist, sana tama ako.

“Sana meron pa akong maibibigay, di ba?

“Kung mabibigyan ko po ba ng panahon yun para maibigay ko o hindi, yun po ang malaking tanong sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN