Bembol Roco settles long-standing rift with twin sons Felix and Dominic

Bembol Roco is happy his strained relationship with sons Felix and Dominic has finally been ironed out: “Hindi kasi kami nakapag-usap nang maayos kaya lumaki nang lumaki ang gap naming mag-aama.”


Kinumpirma ng award-winning actor na si Bembol Roco na maayos na ang relasyon niya sa kanyang kambal na mga anak na sina Felix at Dominic Roco.

Nagkasama raw sila kamakailan sa isang dinner dahil nag-celebrate sila sa pagkapanalo ni Dominic bilang Best Actor sa QCinema International Film Festival para sa pagganap nito sa pelikulang Sleepless.

Ikinuwento ni Bembol sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa taping ng GMA-7 teleserye na Little Nanay sa Sta. Ana, Manila, noong November 5, na nagsimula ang lahat sa maliit na tampuhan.

“Alam niyo naman ang mga kabataan ngayon, madali silang magtampo.

“Hindi ko naman sila masisisi kung naging masyado silang emotional.

“Hindi kasi kami nakapag-usap nang maayos kaya lumaki nang lumaki ang gap naming mag-aama.

“Pero ngayon ay okey na kami ng kambal. Nagkaroon na kami ng pag-uusap at naging maayos naman.

“Bilang ama, gusto kong maging maayos na ang lahat.

“Gusto kong bumalik ang dati naming pagtitinginan bilang mag-aama.”


PROUD OF SONS. Very proud si Bembol kina Felix at Dominic dahil mahuhusay na aktor ang mga ito.

“I am very proud of my sons dahil they both turned out to be very good actors.

“Ayoko namang ipagmayabang na nagmana sila sa akin because I know that they both worked hard para maging magaling sila sa trabahong ito.

“And I am happy to be working with Felix sa remake ng pelikulang Angela Markado.

“Si Dominic naman ay huli kong nakatrabaho sa teleserye na Sisid.

"Hopefully ay makasama ko ulit siya sa trabaho."


BACK IN THE KAPUSO FOLD. Samantala, balik-Kapuso si Bembol.

Kasama siya sa teleseryeng Little Nanay kunsaan gumaganap siya bilang asawa ng Superstar na si Nora Aunor.

Huling napanood si Bembol sa Kapuso afternoon soap na Pyra: Babaeng Apoy noong 2013.

Lumabas din siya sa mga teleserye na Bayan Ko, Beauty Queen, One True Love, Sisid, Tinik sa Dibdib, Asian Treasures, at Ang Iibigin Ay Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Bembol, “Oo, at nasa GMA-7 na ulit tayo for Little Nanay.

“Nakakatuwa ang kuwento nito kasi very light lang siya.

“May konting drama pero lumalabas ang pagiging komedyante namin lahat.

“Magaling kasing humawak ng kanyang mga artista ang director namin na si Ricky Davao.

“Naidirek na niya ako before sa isang teleserye at noong kabataan namin ay nagkasama kami sa maraming pelikula.

“Kaya alam natin ang kalibre niya as an actor and a director.”


FOREVER A BROTHER TO NORA. Natatawa si Bembol kapag tinatanong siya ng press kung nagkaroon sila ng relasyon ni Nora Aunor.

Ilang beses naging leading man ni Nora si Bembol sa mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos, Merika, Tatlong Ina… Isang Anak, Minsan May Isang Ina, at Thy Womb.

Ayon kay Bembol, para lang silang magkapatid ni Nora.

“Kami kasi ni Guy, nagsimula kami talaga bilang magkaibigan.

“Naging parang kuya na ako sa kanya.

“Tuwing may problema 'yan, sa akin 'yan nagsasabi.

“Parang naging sandalan niya ako noon.

“Iiyak 'yan sa akin at ako naman, magpapayo ako sa kanya.

“Kaya natatawa lang kami kapag sinasabi nila na nagkaroon kami ng relasyon.

“Never ko kasing naisip yun sa aming dalawa.

“Talagang para lang kaming magkapatid ni Guy.

“I’m just happy na sa edad namin ngayon, nagkasama pa ulit kami at sa isang magandang teleserye pa.

“Ganoon pa rin naman si Guy. Kuya pa rin ang turing niya sa akin,” paglilinaw ni Bembol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN