KC Concepcion posts touching post-birthday message for dad on Instagram

Even after she had already personally greeted her dad Gabby Concepcion during his birthday last November 5, KC Concepcion still posted a touching post-birthday message for him on her Instagram account. She called him “the man who inspires me to get out, live for the moment & enjoy life.”


Kahit nabati na raw niya nang personal ang amang si Gabby Concepcion noong November 5, kaaraawan ng aktor, hindi pa rin napigilan ni KC Concepcion na mag-post ng larawan ng ama sa kanyang Instagram account at sabihin na mahal niya ito.

Madalas ding sabihin ni KC na si Gabby ang inspirasyon niya para maging adventurous at mahilig sa dagat o anumang water activities.

Alam ng marami na mahilig si Gabby sa dagat at madalas siya pumunta sa Anilao, Batangas, na kilalang beach destination.

Narito ang Instagram post ni KC sa @thisiskcconcepcion:

"Poppie I know I greeted you privately but just wanted to tell the world that I LUHH YOU! Happy Birthday month to the man who inspires me to get out, live for the moment & enjoy life. #papabear @concepciongabby.

Ni-repost ni Gabby sa kanyang Instagram account na @concepciongabby ang IG post ni KC.

Base sa caption nito, halatang na-touch si Gabby sa ginawa ng panganay na anak.

Ayon kay Gabby, "Just want to share how happy I am today. Wow! You made me build up a puddle in my eyes (off screen).. Thank you and enjoy life kids. Be happy. Always. @thisiskcconcepcion.#happiness #family #birthday #love

Pagkatapos nito, nag-post muli si Gabby ng "then and now" picture nilang mag-ama.

Matatandaang sampung taong hindi nagkita at nawalan ng komunikasyon ang mag-ama.

Pero naging malapit sila KC at Gabby mula nang magkita muli sila sa San Francisco, USA noong 2008.

Ginagawa ni Gabby ang GMA teleseryeng Because of You.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN