Miho Nishida and Jimboy Martin declared PBB 737 Big Winners

This season's Pinoy Big Brother Big Winners are Miho Nishida (Regular Edition) and Jimboy Martin (Teen Edition).


Itinanghal na big winners ng Pinoy Big Brother 737 sina Jimboy Martin para sa Teen Edition at si Miho Nishida para sa Regular Edition.

Ginanap ang Big Night ng PBB 737 sa Albay Astrodome, sa Legazpi, Albay, nitong Linggo ng gabi, November 8.

Nakakuha si Jimboy, tinaguriang "Barrio Rapper ng Nueva Vizcaya," ng 56.76 percent of the total votes upang tanghaling Teen Big Winner.

Nakakuha naman ang 2nd big placer na si Ylona Garcia ng 43.24 percent of the total votes.

Sa kanyang speech, sinabi ni Jimboy na masaya man siya sa pagkakaroon ng simpleng buhay, nagpapasalamat siya sa kanyang mga tagasuporta sa pagtulong ng mga ito na mabuo ang pangarap niyang maging PBB Teen Big Winner.

Samantala, para sa Regular Edition, landslide winner si Miho Nishida matapos makakuha ng 81.96 percent ng mga boto.

Samantalang nakakuha ang 2nd Big Winner na si Tommy Esguerra ng 18.04 percent.

Ang dalawang Big Winners ay parehong mananalo ng P1 million, house and lot, at Asian package tour for two.

Bilang 2nd Big Winners, nakakuha sina Ylona at Tommy ng tig-kalahating milyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN