Film director Willy Milan dies at 68

Pumanaw kahapon, November 8, ang director/actor/producer na si Willy Milan—o Wilfredo dela Cruz sa totoong buhay—sa edad na 68.


Pumanaw kahapon, November 8, ang director/actor/producer na si Willy Milan—o Wilfredo dela Cruz sa totoong buhay—sa edad na 68.

Atake sa puso ang ikinamatay ni Direk Willy, base na rin sa impormasyong ipinarating ng isang malapit sa kanya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong tanghali, November 9.

Nakilala si Direk Willy sa pagdidirek ng action films, mula 1980s hanggang early 2000s.

Karamihan ng mga pelikula ay pinagbidahan ng yumaong aktor na si Anthony Alonzo.

Kabilang sa mga pelikulang idinirek niya na pinagbidahan ni Anthony ay ang mga sumusunod: Bambang (1982), W (1983), Bago Kumalat ang Kamandag (1983), Mianong Magat (1984), Alyas Junior Buang (1985), Moises Padilla Story (1985), Kamandag ng Kris (1986).

Naidirek din niya ang yumaong aktor na si Ace Vergel sa Anak Ng Cabron (1988) at Anak Ng Cabron: Ikalawang Ugat (1991); ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa Gawa Na Ang Balang Papatay Sa Iyo (1988) at Kahit Butas Ng Karayom (1992); Chuck Perez sa Ang Pumatay Ng Dahil Sa Iyo (1989); Daniel Fernando sa Huminga Ka Na Hangga't Gusto Mo (1989); Robin Padilla sa Barumbado (1990); Ronnie Ricketts sa Dalawa Man Ang Buhay Mo, Pagsasabayin Ko (1992); at Ian Veneracion sa Sgt. Bobby Aguilar: Isa Lang Ang Buhay Mo (1994).

Naidirek din niya si April 'Boy' Regino sa 'Di Ko Kayang Tanggapin (2000) at Super Idol (2001).

Ang huli niyang idinirek na pelikula ay ang Sablay Ka Na... Pasaway Ka Pa, starring Mikey Macapagal Arroyo, noong 2005.

Nanalo si Direk Willy bilang Best Director at Best Screenwriter sa Metro Manila Film Festival ng taong 1983 para sa pelikulang Bago Kumalat Ang Kamandag.

Noong 1996, nagwagi naman siyang Best Director sa FAMAS Awards para sa Kahit Butas ng Karayom.

Nakalagak ang mga labi ni Direk Willy sa St. Peter Memorial Chapel sa may Commonwealth Avenue, Quezon City.

Wala pang nakatakdang araw ng kanyang libing dahil may hinihintay pa raw na kamag-anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN