Ai-Ai delas Alas wants nothing less than a grand wedding: “Siyempre, 'no!”

Ai-Ai delas Alas on what she loves best about boyfriend Gerald Sibayan: “Hindi niya ako ginagamit!”




Wala raw inggit si Ai-Ai delas Alas sa mga celebrities na nagpapakasal, kagaya nina Vic Sotto at Pauleen Luna na haharap na sa altar sa January 2016.

Sabi ng 50-year-old comedienne, “Okay lang, basta kung saan sila happy.

“Hindi naman, kasi naranasan ko na, e... Sabi nga niya [Vic], ‘Naka-ilang kasal ka na ba?’

“Sabi ko, ‘Lamang ako sa iyo ng isa!’”

Dalawag beses kinasal si AiAi—una sa singer-actor na si Miguel Vera, na nasa US na ngayon, at ikawala sa businessman na si Jed Salang.

Napawalang-bisa na ang kasal ni Ai-Ai kina Miguel at Jed.

Hindi gumi-give up si Ai-Ai sa ideya na muli siyang ikakasal.

“Hindi naman, hindi naman. Di ba, sabi ko nga, hangga’t buhay tayo, may pag-asa?”

 

 

WEDDING TALKS. Wala bang balak si Ai-Ai at ang 21-year-old boyfriend na maki-double wedding kina Vic at Pauleen?

“Ay, ayoko nga! Hindi. Huwag na. Siyempre ano yun ni Bossing [Vic Sotto].

“Kumbaga, moment niya yun. Huwag nating agawin,” sagot ng Comedy Queen.

Marrying type ba si Gerald?

Ani Ai-Ai, “Oo, maayos naman yun. Kahit bata, responsable.”

Ano ang pinaka-minahal ni Ai-Ai kay Gerald?

“Siya? Hindi niya ako ginagamit!”

Ano naman ang pinakaminahal ni Gerald kay Ai-Ai?

“Ako? Maganda ako! Ayoko na nga!” at tumawa si AiAi.

Napag-uusapan ba nila ang kasal?

Sagot ni Ai-Ai, “Oo naman, oo naman. Kaya lang, sabi ko nga, si Gerald kasi… lalaking-lalaki.

“Hindi yung basta na lang susugod. Siyempre gusto niya magwu-work siya.

“Gusto niya mag-ipon para sa kasal namin. Yung normal na lalaki na maayos.”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang gagastusin sa kasal.

“Gusto niya, siya yun."

Nais daw ni Ai-Ai na kasing laki ng wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang susunod niyang kasal.

“Siyempre, 'no! Siyempre, 'no!” pahabol pa ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN