Kris Bernal recounts StarStruck Season 4 journey; considers her win as "miracle"

Watch Little Nanay stars Kris Bernal and Juancho Trivino on PEPtalk this November 11.


Isang masaya at energetic na Kris Bernal ang humarap sa interview ng PEPtalk.

Kasalukuyang host ng artista search na Starstruck ang 26-year-old actress.

Matatandaang hinirang na ultimate survivor si Kris Bernal ng StarStruck Season 4.

At bilang nasusubaybayan niya ang mga aspirants ngayon sa kanilang StarStruck journey, gusto ni Kris na palapit sa kanila para makapagbigay ng ilang tips.

Aniya, “Oo, may feeling talaga ako pag nakikita ko sila, yung parang kung ano yung puwede ko maitulong or parang kahit hug lang, alam mo yung gusto ko silang maging close.

“Gusto ko malaman nila na, ‘Uy! Pare-pareho lang tayo dito,’ ako rin naman gustung-gusto ko maging artista dati, ganun.

"So hindi ko pinapa-feel sa kanila na nanalo ako or matagal na ako, hindi.

“Gusto ko malaman nila na, ‘Uy, mag-share kayo sa akin ng kuwento niyo."

Talaga namang tuluy-tuloy ang natatanggap na biyaya ni Kris dahil magiging bida siya muli sa GMA Telebabad series na Little Nanay.

MIRACLE. Tuwing nagbabalik-tanaw daw si Kris sa mga nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang pagkapanalo bilang Ultimate Love Team (kasama si Mart Escudero) ay hindi pa rin siya makapaniwala.

Inamin rin niya na nung simula ay insecure siya sa iba niyang batchmates, “Oo meron, pero kasi mas dun ako sa feeling na, ang suwerte ko yung ganun.

“Parang unang-una nung StarStruck pa lang, kinukuwestiyon ko kung paano ako nanalo.

“Sa totoo lang nung StarStruck kasi syempre yung mga kasabayan ko matatangkad, mga talagang magaganda ang katawan, mga mestiza.

"Makikita mo noong audition pa lang, may mga kumakanta, sumasayaw. ‘Hala, anong gagawin ko?’ Lamang na lamang talaga sila.

“So tinitignan ko tuloy yung pagkapanalo ko sa StarStruck, parang feeling ko miracle siya or parang talagang gift sa akin ni Lord.

“Feel ko favorite Niya ako kasi ang dami talagang magagaling, ang daming magaganda.”

Hanggang ngayon ay malaki talaga ang pasasalamat ni Kris sa naging ka-love team na si Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful din ako kasi nag-work din yung sa amin ni Aljur, kasi dun naman nagsimula lahat ng yun, e.

“Nagsimula kaming love team, and thankful din ako dahil binibigyan ako ng GMA ng mga projects na alam mo yun, hindi lang rin basta-basta.

“Katulad nung Coffee Prince dati, pinanood ko nang paulit ulit yun pala, ako yung gaganap sa GMA, di ba?

“Dun talaga ako sa mas thankful ako sa lahat ng nangyari at grateful ako kaysa sa kinakabahan at pressured ako.”

Mas kilalanin pa si Kris at ang kanyang bagong role bilang Little Nanay on #LittleNanayOnPEPtalk sa November 11 na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN