Vice Ganda tells his bashers: "Don't waste your time to bash me."

Vice Ganda asks his followers to spread good vibes and stop bashing: “Marami na tayong nasaktan at marami na ring nakasakit sa atin.”


Sunud-sunod ang tweets ng Kapamilya comedian-TV host na si Vice Ganda kaugnay ng patuloy na pamba-bash sa kanya sa social media.

Sumentro ang tweets ni Vice sa panawagan na itigil na ang pamba-bash dahil marami na umano ang nasaktan at nakasakit dahil dito.

Nanawagan siyang mag-spread na lang ng “good vibes.”

Marami na tayong nasaktan at marami na ring nakasakit satin. Let's spread Good Vibes na lang para clap clap clap Champion! #StopTheHate

— jose marie viceral (@vicegandako) November 9, 2015

Pinasalamatan din ni Vice ang kanyang mga tagasuporta sa pagtatanggol sa kanya.

Kahapon, November 9, positibo ang tweet ni Vice:

Nasaksihan ko na ang ganda ng araw sa salamin. Clap clap clap! Champion! #ShowtimePBBSaLubong

— jose marie viceral (@vicegandako) November 9, 2015

Sa comments section nito, may ilang netizens pa rin ang bumatikos kay Vice.

Tinawag siyang "laos" at idinamay pati ang kanyang ina.

May nagsabi pang huwag na siyang pumasok sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime, kung saan isa siya sa mga host.

Sumunod na tweet ni Vice ay ang hashtag na #StopTheHate:

#StopTheHate pic.twitter.com/ZufAh09Knf

— jose marie viceral (@vicegandako) November 9, 2015

May ilan ding nag-react dito.

May nagsabing nagsimula ang career ni Vice sa panlalait.

May isa ring nagsabi na i-apply ni Vice sa sarili ang kanyang sinabi.

Ipinagtanggol naman si Vice ng kanyang mga tagasuporta, na pinasalamatan ng It's Showtime host dahil sa pagiging responsableng netizens daw ng mga ito.

“Never resort to bashing,” paalala pa ng comedian-TV host sa kanila.

To all my Little Ponies and Vicerylle babies: Thanks for trying to be responsible netizens as much as you can. Never resort to bashing.❤️

— jose marie viceral (@vicegandako) November 9, 2015

May mensahe rin si Vice sa kanyang bashers: “My recent tweets are for my fans. So if you're not my fan, you don't have to react. Don't waste your time to bash me. Love you."

My recent tweets are for my fans. So if you're not my fan you dont have to react. Dont waste your time to bash me. Love you.❤️❤️❤️🐴💋💋💋

— jose marie viceral (@vicegandako) November 9, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN