Maine Mendoza shows support for plight of Lumads

Isang nagngangalang Randy Evangelista ang nag-post sa kanyang Facebook account ng larawan ni Maine Mendoza na may hawak na fan sign na nagsasabing “WE STAND W/ LUMADS #SAVE OUR SCHOOLS.”


Dahil sa kanyang malaking impluwensiya sa social media, hindi lang para sa fans nila ni Alden Richards ang concern ni Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, kundi pati na rin sa ibang taong nangangailangan ng malaking suporta mula sa publiko.

Noong nakaraang Linggo, November 8, ipinaramdam ni Maine ang suporta sa mga Lumad, ang indigenous people sa Mindanao na nakaranas ng pang-aapi, pagmamalupit, at sa iba ay kamatayan mula sa mga taong nagpalayas sa kanila mula sa kanilang ancestral lands.

Isang nagngangalang Randy Evangelista ang nag-post sa kanyang Facebook account ng larawan ni Maine na may hawak na fan sign na nagsasabing: “WE STAND W/ LUMADS #SAVE OUR SCHOOLS.”

Isa si Maine sa celebrities na nagpapakita ng suporta sa mga Lumad.

Ang iba ay sina Angel Locsin, Luis Manzano, Aiza Seguerra, Bayang Barrios, at Wally Bayola.


LIWASANG BONIFACIO CAMP-OUT. Si John Carlos Catalan, brother-in-law ni Maine (asawa ng kanyang nakakatandang kapatid na si Nikki) ay parte ng grupo na AlDub for Lumad na tumutulong sa Manilakbayan ng Mindanao 2015, isang people’s caravan na pinangungunahan ng Lumad leaders.

Nagsimula ito noong October 19 sa Surigao City.

Ang AlDub for Lumad ay sinimulan ni Lourdes “Eng” Morong at ng kanyang partner na si Aldrin.

Tinulungan sila ng writer/activist na si Dino Manrique, isang blogger at certified AlDub fan.

Naka-camp out sa Liwasang Bonifacio in Lawton, Manila ang Manilakbayan bilang paghahanda sa gagawin nilang Walk with the Lumad sa November 13.

Noong Linggo nga ay pinag-almusal ng AlDub Nation ang Manilakbayan.

Naghandog pa ng libreng pagtatanghal sina Aiza at Bayang para sa mga ito.

Binigyan ng permiso ng Manila City Hall ang Manilakbayan na mag-camp out sa Liwasang Bonifacio hanggang November 22.

Pero binago ito ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Hanggang November 12 na lang daw sila dahil sa Asia-Pacific Cooperation (APEC) Leader’s Summit na magaganap simula November 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN