Gabrielle Concepcion "really ready" to resume showbiz career

Noong namalagi ng tatlong taon si Gabrielle Concepcion sa U.S., sinubukan raw niyang mag-audition sa The Voice. Kuwento niya, “Ang haba po pala ng pila. Ang daming process. Akala ko, one audition 'tapos go. Eh four auditions po yata siya bago kayo makarating dun sa turnaround ng chair.”


Desidido si Gabrielle Concepcion, anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, na ituloy ang naudlot na showbiz career.

Nagsimula si Gabrielle bilang Garie Concepcion sa recording scene, pero bigla siyang nawala.

Nanirahan kasi siya sa America sa loob ng tatlong taon.

Nagtrabaho siya sa front desk ng isang medical spa at nag-aral ng acting sa isang film school.

Nag-audition rin daw siya para sa isang commercial.

Kuwento ni Gabrielle nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract-signing niya sa Warner Philippines kamakailan, “Pero mahirap po talaga sa America.

“Ang daming competition and yung process po ng pag-o-audition is very hard, very difficult."

Dagdag pa rito, nag-audition rin daw siya sa The Voice.

“Ang haba po pala ng pila. Ang daming process.

“Akala ko, one audition 'tapos go. E, four auditions po yata siya bago kayo makarating dun sa turnaround ng chair.”

Hindi ba nanghinayang si Gabrielle na posibleng mas may narating na siya ngayon kung itinuloy-tuloy niya ang showbiz?

Sagot niya, “Hindi naman po kasi as the years passed by and as I studied po, mas naging handa ako. Ngayon po, masasabi ko na I’m really ready for this.”

CURRENT PROJECTS. Ngayon ay recording artist si Gabrielle ng Warner Music Philippines, kung saan meron siyang five-track self-titled album.

May indie film din siyang ginagawa ngayon, ang Straight from the Heart, kunsaan kasama niya sina Carl Guevara at Gwen Zamora.

Ginagampanan ni Gabrielle ang role na girlfriend ng karakter ni Gwen.

“Very challenging po,” nakangiting kuwento ni Gabrielle tungkol sa role niya.

“Kaya ko po siya tinanggap kasi that’s the kind of role na gusto kong gawin. It challenges me to step out of my comfort zone.”

Ayaw pang sabihin ni Gabrielle kung may kissing scene sila ni Gwen.

Pero kung kailangan daw talaga, walang magiging problema kay Gabrielle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s an art naman po, and may limitation din naman po kami.”

Mai-a-apply ni Gabrielle ang pinag-aralan niya abroad.

“Natutunan ko sa film school on how to act naturally. Iba po kasi ang acting sa theater at sa film.

"So sa school, tinuruan po kami how to minimize our acting. Natural lang,” saad ni Gabrielle.

Willing din daw si Gabrielle na mag-audition sa The Voice Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN