John Prats "happy and blessed" about projects with ABS-CBN for 23 years

John Prats on change of image: “Parang nakabawi ako sa mga issues ko at paratang sa akin noon tungkol sa pambababae. Feeling ko nga, nang mag-asawa ako, nag-settle down ako, iba na ang tingin sa akin dahil yun nga, family man, bagong ako."


Masaya si John Prats dahil sa tingin niya, nagbago ang perception ng iba sa kanya mula nang ikasal sila ni Isabel Oli, na apat na buwan nang buntis sa panganay nila.

“Parang nakabawi ako sa mga issues ko at paratang sa akin noon tungkol sa pambabae.

"Feeling ko nga, nang mag-asawa ako, nag-settle down ako, iba na ang tingin sa akin dahil yun nga, family man, bagong ako.

"Mas may respeto na ang mga tao. Mas na-appreciate nila ako. Lahat ng ito for me, blessing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa presscon ng Banana Split noong November 5, sa ELJ Building ng ABS-CBN.



ISABEL’S FOOD CRAVINGS. Isa sa mga naikuwento niya ay ang mga karanasan sa natapos nang paglilihi ni misis.

“Kasi siya, may mga certain food siya na gusto na hinahanap niya ng 11 p.m. Marami siyang cravings, e. Random.

“Like 11 p.m., sabi niya sa akin, ‘Hub, gusto ko ng goto ng fast-food chain.

"So ako, walang driver, hanapan ko siya. Pagdating ko sa fast-food chain na yun, walang goto.

“[Sinabi sa akin na] ‘Sir, tapos na po yung promo.’

“Pag-uwi ko, kumuha ako ng goto. Then, bumalik ako sa fast-food chain. Kumuha ako ng plastic.

“Kunwari galing dun 'tapos nung tinikman naman niya, sabi niya, ‘Thank you ha.’

“Sabi ko, ‘Nangti-trip ba ‘to?’

"Iba naman yung goto, pero ganun siya. May gusto siya minsan.”

BABY’S GENDER. Nang huli naming nakausap si John, sinabi nitong ang gusto sana niya ay babae ang unang anak nila ni Isabel.

Pero ngayon, kahit ano raw, basta healthy.

“Darating ka pala sa stage na kapag nandiyan na, kahit ano, basta buo siya, basta healthy.

"Yung last ultrasound namin, binibilang ang fingers. So meron na.

“Pero yung gender, hindi pa masabi sa amin. Baka next week or next, next week.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang daddy ni John ang tatanungin, gusto raw nito na lalaki ang susunod na apo.

Paliwanag ni John, “Kasi, first Prats na lalaki.

"Kay Camille [kapatid ni John] kasi, lalaki pero siyempre, Linsangan [apelyido ng namayapang asawa ng aktres]. So hindi siya Prats.

"'Tapos yung magdadala ng pangalan for the next generation, alam niyo naman yun gusto ng tatay.

"Yung brother ko, may baby na rin siya pero babae.

“So gusto nila na lalaki na magdadala ng pangalan.

"'Tapos si Mommy, panay siyang, ‘Alam mo Liv [nickname ni Isabel], feeling ko talaga lalaki ‘yan. So tingnan natin."

PERFECT TIMING. Perfect daw ang timing ng lahat ng nangyayari sa kanya, mula noon hanggang ngayong magiging ama na siya.

Ani John, “Alam mo, perfect talaga. Kung paano ko siya inisip noon, kasi, noong bata ako, growing up, pina-pattern ko ang buhay ko kay Tito Aga [Muhlach].

“E, siya yung naging peg ko noon, kapag nakakasama ko sa show, lahat.

“So, parang tiningnan ko siya, even yung mga pelikula niya. So, noong nag-asawa siya ng 30 plus, gusto ko ganun din. Ma-maximize ko ang pagiging binata ko.

“Pagdating ng 31, mag-settle down. Nangyari lahat. Nagkaanak ako after marriage. Maayos, maayos lahat.”

LOYAL KAPAMILYA. Masaya ba siya sa desisyon niyang manatiling Kapamilya.

Sinubukan niya kasi dating magtrabaho sa ibang network.

Sabi ni John, “Siguro dahil palagi akong nagdarasal. May mga times nga na yun, dumating ang offer to move to another network. Pero sabi ko, 'Bakit hindi natutuloy?'

“So siguro sa tingin ko, may ibang plano talaga para sa akin.

“So itong balitang ‘to na yung Banana Split ay magiging Sunday, nag-serve na naman ng boost sa akin na wow, may bagong excitement na namang mangyayari sa akin.

“Sabi ko nga, sobrang achievement na sa akin. Kasi, sa industry naman natin, hindi naman pasikatan pero patagalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na ngayon, ang daming nag-aartista, ang dami rin nawawala.

“So for me na tumagal ng 23 years, yun na lang ang iniisip ko.

"And 23 years sa Kapamilya network, in one network, parang Michael Jordan. Chicago Bulls ka lang the whole time.

“So, happy and blessed ako roon and thankful ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN