Pooh chooses family over love life: “Minsan pag nasa kuwarto, masarap siguro ang may katabi. Pero magastos naman, so huwag na lang."

Pooh on why love life is the farthest thing from his mind: "Minsan, pag nasa kuwarto, masarap siguro ang may katabi. Pero magastos naman, so huwag na lang. Huwag na lang. Ibigay ko na lang sa pamilya ko."


Okay lang kay Pooh na wala siyang love life ngayon dahil nilalaan niya ang lahat ng kinikita sa kanyang pamilya.

Sabi ni Pooh sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya sa presscon ng ABS-CBN gag show na Banana Sundae, na dating kilala bilang Banana Nite: “Masaya maging single, pero siyempre, hinahanap mo pa rin.

“Pero ang pangit naman pag pinilit mo.

“Minsan pag nasa kuwarto, masarap siguro ang may katabi. Pero magastos naman, so huwag na lang.

“Ibigay ko na lang sa pamilya ko. Mas maganda pa, mas enjoy, mas nakikita mo ang totoong pagmamahal na galing sa kanila.”

NEW SCHEDULE. Ang Banana Sundae ay mapapanood na tuwing Linggo, simula November 15.

Ayon kay Pooh, malaking hamon sa kanila ang bagong schedule, dahil iba ang market ng mga manonood kapag Linggo.

“Siyempre kagaya ng sinabi ko kanina, nakaka-challenge kasi di yun ang crowd namin.

“Nandiyan na yung mga bata. Gising ang mga bata. May family na nagba-bonding. Yun ang ta-targetin naming crowd.

“Naughty? Aayusin namin ang format kasi iba na nga ang ike-cater namin na market.”

Tinanong namin si Pooh kung ano ang rason sa likod ng pagbabago ng kanilang airing schedule.

Sagot niya, “Para mas marami ang makapanood. Saka sobrang late kasi pag Sabado. Kami-kami mismo, sa creative, nag-usap-usap.

“Parang nakakapanghinayang naman na mayroon tayong Angelica [Panganiban], mayroon kang John Prats.

“Ang lalaki ng artista mo 'tapos napapanood siya bago mag-color bar. Paano mo pa mapapaangat ang crowd kung kaunti lang ang nanonood? Hayun, naisipan din nila siguro.”

BABY LOVE.” Isa sa bagong segment sa Banana Sundae ay ang “Baby Love,” kung saan magkapareha sina Pooh at JC de Vera o ang Pooh-C.

Kuwento ni Pooh, “Baby Love, ano kasi ‘yan, tungkol sa love ng dalawang bata, si Baby Girl saka si Baby Boy. Love team ng dalawang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, di naman love team. Maglalaro lang ‘yan.

“Ang nakakatawa kasi dun, si JC, sinasakyan niya ang pangungulit ko. Di siya naiilang. Yun ang nakakatuwa sa kanya. Never siyang nailang sa akin.

“'Tapos nagtatanong siya, ‘O, ano ba ang gagawin natin dito? Paano ba natin paglalapitin ang mukha natin? Magno-nose to nose ba tayo o ilang inches ba ang lapit ng labi?’

“Hayun, open siya.”

Dagdag ni Pooh, “Alam mo, nakakatuwa kasi sa Twitter. Kagat na kagat siya. Why not?

“Hello, bakit hindi? E, sinubukan lang naman namin e kinagat naman. Nagte-trending siya, nakikiamot lang naman ako ng fame ni JC.

“Nakakatuwa lang na pag wala ang ‘Baby Love,’ hinahanap.”

WHAT HAPPENED TO ALEX GONZAGA? Kung may mga bagong pumasok na cast sa Banana Sundae gaya nina Jessy Mendiola, JC, at ang nagbabalik na si Pokwang, nawala naman sina Zanjoe Marudo at Alex Gonzaga.

Naipaliwanag sa presscon proper ng Banana Sundae na maraming trabahong gagawin si Zanjoe.

Pero di nalinaw kung bakit di na-retain si Alex.

Komento ni Pooh, “Di ko alam. Di ko alam ang rason. Wala naman kaming tinatanggal.

“Pag umalis ka, sige. Pag bumalik ka, okay.

“Anytime puwede silang bumalik.

“Si Pokie [Pokwang], tapos na yung soap so balik siya.”

PAST HURTS. Natural daw sa isang show na matagal nang umeere na paminsan-minsan ay nagkakatampuhan ang mga magkakasama.

Kuwento ni Pooh, “Yung nangyari lang dati kay John Prats saka kila Melai [Cantiveros] and Jason [Francisco]. Pero kasi, nung nangyari yun, wala ako noon kaya di ko alam.

READ: John Prats denies bullying allegation by Jason Francisco

“Nung nagkita-kita kami, nagkausap-usap, hayun naayos. Pinag-uusapan talaga.”

NINGNING. Samantala, nagpapasalamat si Pooh na nakasama siya sa seryeng Ningning.

Ani Pooh, “Nakakatuwa ang Ningning, sobrang nae-enjoy ko.

"Pag binabasa ko yung script, nakakahawa yung positiveness. Nakakahawa yung good vibes. Ang saya-saya ng production na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, yung bata [si Jana Agoncillo bilang si Ningning], di niya alam na nagwo-work siya.

“Nandiyan lang siya 'tapos napakatalino pa."

Si Ningning daw ang peg niya sa "Baby Love."

“Ginagaya ko siya sa 'Baby Love.' Pinapakita ko sa kanya. Tawa lang nang tawa.

"[Sabi ni Ningning], ‘Kuya Pooh naman. Di naman ako ganyang magsalita.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN