Kris Bernal admits undergoing several screen tests before bagging lead role in Little Nanay

Kris Bernal on portraying the role of a person with intellectual disability: "Sa totoo lang, yung mga pinagdaanan ko po sa show, nakailang screen test po ako. Sinubukan ko kung kaya ko ba talagang gawin yung role ng isang nanay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko… kung ano ba ang tama. Ano ba ang tamang character, ano ba ang tamang arte, ano ba ang tamang deliver talaga ng isang nanay sa show."


Maituturing na pinaka-challenging role ng Kapuso actress na si Kris Bernal ang bagong primetime series na pinagbibidahan niya ngayon, ang Little Nanay, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, November 16, sa GMA Telebabad.

May intellectual disability na naging isang nanay ang karakter ni Kris.

Sa presscon ng Little Nanay sa Studio 6 ng GMA Annex Building kahapon, November 10, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris kung sino o ano ang naging peg niya sa kanyang karakter.

May ilan na rin kasing international movies na tila hawig sa karakter niya bilang si Tinay.

Ayon kay Kris, "Ang peg ko, nanood po ako ng movie na related sa character or puwede kong basehan or behavior or mannerisms.

"Ito po ay ang The Other Sister [1999] ni Juliette Lewis, pati po yung I Am Sam [2001] ni Sean Penn, pinanood ko po."

Sa puntong ito, nagsimula nang magsabi si Kris na kinakabahan siya, pero idinadaan na lang daw niya sa tawa ang kaba.

"Aside po dun, nag-research po ako sa YouTube, nanood din ako ng mga videos.

“Inalam ko rin ang intellectual disability and nagkaroon din po kami ng immersion.

"Nagpunta rin po kami sa SPED school, so nakakita rin po talaga ako ng patient na may intellectually disability."

Isang acting piece ang karakter na ginagampanan ni Kris ngayon.

Bukod dito, makakasama pa niya ang ilan sa mga haligi sa industriya—ang Superstar na si Nora Aunor, ang veteran actor na si Eddie Garcia, at ang multi-awarded actor na si Bembol Roco.

Bilang isang 25-year-old woman na may intellectual disability, nasa siyam na taon lang ang mental age niya pero nagkaanak na halos magkasing-level lang ang pag-iisip nila.

SCREEN TESTS. Dito sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Kris na maging emosyunal at iyak-tawa na ito sa pagsasalita.

"Naiiyak ako… Kasi po, kinakabahan ako," sabi ni Kris, na pinipilit idaan sa tawa ang hindi mapigilang pag-iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Kasi una po, hindi ko akalain na makakatrabaho ko si Ms. Nora Aunor, Sir Eddie Garcia, sina Ate Sunshine [Dizon], Ate Gladys [Reyes], Mr. Bembol Roco.

"Hindi ko po akalain.

“Kumbaga, sa totoo lang, yung mga pinagdaanan ko po sa show, nakailang screen test po ako.

“Sinubukan ko kung kaya ko ba talagang gawin yung role ng isang nanay.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko… kung ano ba ang tama.

“Ano ba ang tamang character, ano ba ang tamang arte, ano ba ang tamang deliver talaga ng isang nanay sa show."

Katulad ng sinabi ni Kris, dumaan siya sa ilang sceeen tests at inamin niyang tuwing may production meeting, kinakabahan siyang baka ibigay sa iba ang teleserye.

Ayon pa kay Kris, mahigit isang taon na ang huli niyang teleserye, ang Hiram Na Alaala.

"Yun, naka-ilang scren test ako to the point na, feeling ko, babawiin na sa akin ang show kasi hindi ko siya magawa nang maayos.

"Pero thank you po. Thank you Ms. Lilybeth [Rasonable], thank you Ms. Cheryl [Ching], thank you Ms. Redgie [Magno], hindi niyo po binawi.

“Thank you po.”

Pag-amin pa niya, “Sobrang kaba ko na feeling ko, anytime na magkakaroon sila ng meeting, tinatanong ko kung sa akin pa ba yung show.

“At thank you sa support ng writers kasi tinulungan nila ako kapag tinatanong ko sila tungkol sa character.

"And of course, yung suporta ni Direk Ricky [Davao], lahat po ng cast. Yung suporta po nila sa akin sa lahat ng eksena."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN