Alden Richards says Maine Mendoza has met his expectations

Alden Richards says he's really a fun person: "Yun kasi ako, e. I mean, that’s the real me, off-cam. My family and my closest friends know that. It’s just that parang mas masarap ilabas yung natural, yung yourself."


Halos tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang ganapin ang “Sa Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena noong October 24.

Ang nasabing event ang nagsilbing hudyat ng pagpayag ni Lola Nidora (Wally Bayola) na magkalapit sina Alden at Yaya Dub nang hindi na siya humahadlang.

Ibig sabihin, sa tunay na buhay, ay maaari na ring magkita at magkausap nang personal sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Maliban sa paminsan-minsang pagkikita nila sa Eat Bulaga! ay nagkikita rin madalas sina Alden at Maine sa shooting ng una nilang pelikula na magkasama.

Ito ay ang Metro Manila Film Festival 2015 entry na My Bebe Love (#KiligPaMore), kung saan kasama nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Ngayong unti-unti na nilang nakikilala ang isa’t isa, na-meet ba ang expectations o nabago ba ang perception ni Alden tungkol kay Maine?

Tugon ng Pambansang Bae, “Actually, kung ano ini-expect ko, yun ang nakuha ko, e.

“Parang I saw her on TV as makulit person, that’s how she is in real life.

“So, nothing much, wala masyadong naiba sa perception ko.”

Sa kabilang banda, ano naman ang dating pagkakakilala sa kanya ni Maine na naiba nang magkalapit na sila?

Sabi ni Alden, “Akala niya raw tahimik ako. Akala raw niya hindi ako madaldal.

“And we discovered we both like to have fun, makulit… We don’t want dull moments.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine si Alden sa shooting ng My Bebe Love nitong Martes ng gabi, November 10, sa Blue Leaf Events Pavilion sa McKinley Hill, Taguig City.

THE NEW ALDEN. Marami naman ang nakapansing ang laki raw ng ipinagbago ni Alden mula nang magsimula ang Kalyeserye.

Lumabas na raw kasi ang pagka-kalog o pagka-kengkoy ng Kapuso matinee idol na malayung-malayo sa dati niyang imahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Alden tungkol dito, “Yun kasi ako, e. I mean, that’s the real me, off-cam.

“My family and my closest friends know that.

“It’s just that parang mas masarap ilabas yung natural, yung yourself.

“Be true to who you are, kasi people will love you through that, e.

“So, yun po ang ginagawa ko, that’s why I’m enjoying every bit of it.

“I’m enjoying every bit of the situation, kasi I’m just being myself.”

May mga "sumisisi" naman kay Maine na siya raw dahilan ng bagong aspetong ito sa personalidad ni Alden.

Pero si Maine nga ba ang nakapagpalabas ng pagiging kalog niya on television?

Tugon ng Pambansang Bae, “Maraming factors… well, Eat Bulaga, Kalyeserye…

“The situation made me myself.

“Parang binuo na niya ako, e, na lumabas yung sense of humor ko na itinatago ko for the longest time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN