Model-actress Regine Angeles to wed model Van Victor Leano in January 2016

Regine Angeles relates her fiancé Van Victor Leano willingly converted to Iglesia de Cristo to be able to marry her. She says, “I will be forever grateful to our Lord God for granting my wish to have someone like him. Hindi alam ng tao kung gaano ako ka swerte sa kanya!"


Ikakasal na sa January 2016 ang Be Bench winner at Kapamilya actress na si Regine Angeles sa kanyang fiancé, ang former winner ng Century Tuna Super Bodies na si Van Victor Leano.

Kaya naman busy ngayon ang modela-ctress sa pag-asikaso ng kanilang wedding na magaganap sa Elements @ Centris, sa Quezon City.

Naniniwala sina Regine at Van na may dalang suwerte sa newlyweds ang buwan ng January.

Kuwento ni Regine, “Simple wedding lang naman, INC [Iglesia ni Cristo] wedding ito.

“Mga invited guests ay families naming dalawa at mga close friends.

“Nagpa-convert talaga si Van ng religion niya para sa relasyon namin.

“Para gawin iyon ng lalaki para sa ‘yo, parang ang ganda-ganda ko naman masyado!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa 50th anniversary ng Lydia’s Lechon, sa Baclaran, noong November 5.

Hindi naman daw patitigilin ni Van si Regine na mag-artista kapag kasal na sila.

Huling napanood si Regine sa teleserye ng ABS-CBN na Two Wives. Sa pelikula naman ay nakasama siya sa cast ng You’re My Boss at Felix Manalo.

Pero gusto raw niyang tumulong sa restaurant business ng kanyang magiging mister na located sa loob ng BF Homes Subdivision in Parañaque City.

“Mabe-base na kasi ako sa Las Piñas City, kasi doon nakatira si Van at nandoon ang business niya.

“Papayagan pa rin naman niya akong mag-showbiz, hindi pa naman kami gagawa ng baby after ng wedding.

“Siguro after two years pa, mag-enjoy muna kami as a married couple.

“Ang honeymoon pala namin ay sa U.S. at Japan.”



Noong November 2014 pa nag-propose si Van sa El Nido, Palawan.

Ipinost pa ni Regine sa kanyang Instagram account noong November 15, 2014 ang naging eksena ng pag-propose ni Van sa kanya:

“My friends and i booked a flight to el nido months before. But then came 2 wives so our plans of having a vacation was put aside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I didn't want it to push thru because i dont want to cause problems with the production staff.

“But then a miracle happened. They allowed me to go here. Kaya naman pala.. Kase may matagal ng balak at pina block na ng matagal itong araw na to.

“I just want to tell everyone how lucky I am to have my boyfriend.

“He is the nicest, most understanding, most sensitive, and sweetest guy that i know.

“I will be forever grateful to our Lord God for granting my wish to have someone like him.

“I know that this is too cliche but Van is truly everything that i've wished for.

“Hindi alam ng tao kung gaano ako ka swerte sa kanya!

“Thank you and i love u soo much! This is the happiest day of my life.@vanleano

“Thank you also to my bestfriend @saguiafinsdelights and my cousin@nicevillaverde for helping him out. I super love u guys! #sawakas#angtagalkotonghinintay”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN