Sen. Grace Poe apologizes to cousin Sheryl Cruz

Sheryl Cruz upset with cousin Grace Poe in handling the rumor that the senator is the daughter of Sheryl’s mom, Rosemarie Sonora. Sheryl says, "Why does my cousin say na favorite auntie niya ang mama ko when she allows these things to happen, na ma-drag yung pangalan niya dito sa kanyang quest for the presidency?"


Humingi ng paumanhin si Senator Grace Poe sa pinsan niyang si Sheryl Cruz.

Ito ay kasunod ng pakiusap ng aktres sa senadora at sa ina nitong si Susan Roces na maglabas ng pahayag upang mabigyang-linaw ang "urban legend" na si Senator Grace ay anak ni Rosemarie Sonora sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Rosemarie ang ina ni Sheryl at nakababatang kapatid ni Susan Roces.

Hindi kasi nagustuhan ni Sheryl na patuloy pa ring nadadawit ang pangalan ng kanyang ina kay Senator Grace, na adoptive daughter ni Susan at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

"Humihingi ako ng pasensiya sa kanya. Hindi ko nais mapasama ang pangalan nila.

"Wala naman akong sinabi na magpa-DNA test din sila," pahayag ni Senator Grace sa GMA News Online nitong Martes, November 10.

Kamakailan ay nagpa-DNA test si Senator Grace sa layong mabigyang-linaw ang pagkukuwestiyon sa kanyang citizenship.

Sa hiwalay na panayam niya sa dzMM, sinabi ni Sheryl na apektado silang magkakapatid sa patuloy na pagdawit sa pangalan ng kanilang ina kay Senator Grace.

"My mom's name has been dragged too many times, which is hindi na nakakatuwa sa aming magkakapatid," pahayag ng aktres.

Hindi rin nagustuhan ni Sheryl na nakuha pang magbiruan nina Senator Grace at Senator Bongbong Marcos, anak ni ex-President Ferdinand Marcos tungkol sa isyu.

Read: Sheryl Cruz appeals to the public not to drag her mom Rosemarie Sonora in issues against Sen. Grace Poe

Kuwento kasi ni Senator Grace, nang maganap ang first session sa Senado noong nakaraang taon, nagtawagan sila ni Senator Bong ng “bro” at “sis.”

Pero iginiit ng senadora na alam niyang walang katotohanan ang usap-usapan tungkol sa kanyang tunay na mga magulang.

Sabi ni Sheryl, "Masakit para sa 'kin pag ginagawa nang parang biro.... I don't see the humor in that.

"Isang interview lang ng auntie ko, mabibigyan na 'to ng tuldok."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumama naman ang loob ni Sheryl sa kanyang pinsang senadora dahil hinahayaan nitong madawit ang kanyang ina na si Rosemarie.

Himutok ng aktres, "I guess yung sama ng loob ko is from the fact na why does my cousin say na favorite auntie niya ang mama ko when she allows these things to happen, na ma-drag yung pangalan niya dito sa kanyang quest for the presidency?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN