Sheryl Cruz has no plan to retract her statement on presidential bid of Sen. Grace Poe

Sheryl Cruz also clarifies her business managers have not abandoned her, contrary to reports: "Alam mo, minsan kasi parang friendship is deeper than kung anumang pambabatikos na meron sa paligid."


Marami ang bumatikos kay Sheryl Cruz nang ipahayag niya ang kanyang opinyon kaugnay ng presidential bid ng pinsan na si Senator Grace Poe.

Sinabi nitong hindi pa hinog ang pinsan sa pag-akyat sa mas mataas na posisyon at responsibilidad dahil first senatorial term pa lang nito.

Wala raw plano si Sheryl na bawiin ang kanyang statement tungkol sa pagtakbo ni Grace.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m forty-one years old, I have a child, mahal ko ang pamilya ko.

“Kahit paano I care for my cousin, ayoko man din na mababatikos ang pamilya namin.

"Just because yung mga taong nakapaligid sa kanya or yung kanyang in-experience niya sa isang bagay.

“Alam ko at a very young age, she wants to do big things for the Philippines.

“Just like me when I was just starting in the industry.

“You have to put in a lot of years para pagkatiwalaan ka ng tao, mapagkatiwalaan ng mga manonood lalo ng mga producers.

“Hindi siya madali, pero pag mahal mo ang isang bagay, I’m sure you will put in the time and the love and the passion for it.”


STAR AWARDS FOR MUSIC WIN. Sa kalagitaan ng family-related issues na hinaharap ni Sheryl ngayon, kinilala naman ng Star Awards for Music ang pagbabalik niya sa pagkanta nang manalo siya bilang Female Pop Artist of the Year para sa single niyang “Sa Puso Ko’y Ikaw Pa Rin.”

Sa awards night na ginanap sa KIA Theater, sa Cubao, Quezon City, noong Martes, November 10, ay tinalo ni Sheryl sa kategoryang ito sina Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Kim Chiu, Nadine Lustre, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga.

Sabi ni Sheryl, “Actually, speechless ako kasi ang bait ni Lord.

“He puts you through situations na akala mo, as a human being, hindi mo kakayanin, pero tama yung sinasabi nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag ibinigay sa iyo ang isang bagay na pagdadaanan mo, it’s not because hindi mo kaya, kundi kaya mo.

“Kaya mo siya it’s because of your faith, ito yung kapalit.

“Sabi siguro ni Lord, 'Etong batang ito matagal nang naghihintay,' simula nung batikos na dumating sa akin.

“It’s so sweet dahil ibinigay Niya yung tamang kapalit sa dinanas ko.

“So, thank you Lord at sa PMPC...

“And I’m very, very thankful dahil kahit paano marami pa rin dito ang nagmamalasakit talaga.”


TROUBLED MANAGEMENT. Umani rin ng mga batikos at pamununa si Sheryl kasunod ng paglabas ng balitang binitiwan na siya umano ng kanyang management team.

Umiiwas daw ang mga ito sa kontrobersiya na nag-ugat sa mga binitiwan niyang salita tungkol sa pagtakbo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa pagka-presidente sa 2016.



Paglilinaw ni Sheryl, may tulong pa rin ang business managers niyang sina Rams David at Kris Perez sa kanyang showbiz career.

Kakapirma nga lang daw niya ng kontrata para sa extension ng teleserye niyang Buena Familia, pero may kakayahan din naman siyang i-manage ang kanyang career.

Sambit ni Sheryl, “I’m just happy.

"Alam mo, minsan kasi parang friendship is deeper than kung anumang pambabatikos na meron sa paligid.

“Na-realize rin ni Ram na hindi rin naman ako basta-bastang artista na pasaway.

“Na basta na lang mang-iiwan ng proyekto at nakakasakit ng ulo.

“Kasi naman, for the longest time, kilala naman ninyo ako, I was a child actress since four years old.

“At ang tagal ko rin naman dito sa industriya, more than three decades na.

“Hindi mo naman basta-basta magigiba ang isang tao overnight, my fans are supporting me.”

Dagdag pa niya, “Actually, I just signed a contract because of the extension of my show.

“Yung akin lang, ayaw ko lang talaga na napapahamak siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At hindi lang yun, napapahamak yung mga taong inaalagaan niya because of the simple things that I said or just for my opinion.

“Ayaw ko lang kasi na merong mga taong hina-harrass...

"Alam mo yung ibig kong sabihin? Dahil may ibang taong nagsasalita.

“Nalulungkot ako kung bakit kailangang mangyari ito.

“It shows there are people who would really go through links para lang maibagsak ang taong nagbibigay ng sinsero niyang opinyon.

“It’s not to create confusion, it’s not to start a fight, it’s just an honest opinion.”

Kuwento pa niya, habang nasa loob siya ng dressing room ay tinanong siya ng manager ng isa sa awardee at nominee kung sino ang nagha-handle sa kanya.

Kaugnay raw ito sa isang "big event coming out this December."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN