Susan Roces camp refutes allegations of Sheryl Cruz's girl friday

Pinabulaanan ng isang malapit kay Susan Roces at sa anak nitong si Senator Grace Poe ang mga paratang ng personal assistant ni Sheryl Cruz na nangngangalang Doray.


Pinabulaanan ng isang malapit sa mag-inang Susan Roces at Senator Grace Poe ang pahayag ng girl friday ni Sheryl Cruz na si Doray sa radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa dzBB kahapon, November 10.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Doray na pinalayas siya ni Susan mula sa bahay nito sa Greenhills, San Juan City, at banned na siya sa tahanan ng mga Poe.

Mariing itinanggi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng taong nagmamalasakit kina Susan at Grace ang diumano'y walang katotohanang claim ni Doray.

Paglilinaw ng PEP source, "Matagal nang alalay ni Sheryl si Doray pero pinaalis siya ni Ricky Belmonte noong nabubuhay pa ito sa bahay nila sa Valle Verde.

"Nagalit kasi si Ricky nang malaman niya na inirereto noon ni Doray kay Romnick Sarmenta si Sheryl."

Si Ricky Belmonte ang yumaong ama ni Sheryl.

Patuloy ng source, "Nang biglang umalis si Sheryl papunta sa Amerika, umiiyak na nagpunta si Doray sa bahay ni Susan at nakiusap na doon siya patirahin.

"Pumayag naman si Susan.

"Pero nalaman nito na inaaway ni Doray ang ibang mga kasambahay niya dahil naiinggit si Doray sa kanila.

"May isang insidente rin na muntik nang saktan ni Doray ang isa sa mga kasambahay ni Susan."

Dagdag ng PEP source, "Pinagbakasyon ni Susan si Doray, two weeks ago, dahil may diabetes siya.

"Pinahinto na siya sa pagluluto dahil nag-alala si Susan na baka masugatan siya.

"Binigyan ni Susan si Doray ng retirement pay.

"May ipinagawa siya na bahay sa Antipolo para maging retirement house ng mga kasambahay niya.

"Ang ginawa ni Doray, pinatira nito sa Antipolo house ang kanyang kapatid."

Diin pa ng PEP source, "Hindi totoo na pinalayas ni Susan si Doray tulad ng sinabi nito sa radio interview ni Arnold Clavio."

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ng lahat ng sangkot sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN