Meteor Garden star Vic Zhou marries Taiwanese actress

Nagpakasal na si Vic Zhou, na mas kilala bilang Hua Ze Lei sa Meteor Garden, sa kanyang Taiwanese actress-girlfriend na si Reen Yu.


Ikinasal na ang F4 member na si Vic Zhou (o Vic Chou) sa kanyang Taiwanese actress-girlfriend na si Reen Yu.

Sumikat si Vic, isa ring Taiwanese actor-singer, sa kanyang karakter na Hua Ze Lei sa phenomenal Taiwanese drama series na Meteor Garden noong 2001.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Vic, 34 at Reen, 28.

Sa pamamagitan ng Chinese micro-blogging website na Weibo, nag-share si Vic ng dalawang larawan upang ianunsiyo ang pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend.

Translation sa caption sa nasabing mga larawan: "Mrs Chou is really beautiful. Yes, we got married. We thank friends for their blessings."

Sa kanyang Facebook account ay nag-share din si Reen ng couple photo nila ni Vic, kung saan ipinakita nila ang kanilang wedding rings.

Nagpasalamat din ang aktres sa mga sumuporta sa kanila ng kanyang mister.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN