Winwyn Marquez hurt by criticisms about mom Alma Moreno's senatorial bid

Winwyn Marquez is all agog over the coming national elections, with her mom Alma Moreno and siblings Jeremy Marquez and Vandolph Quizon in the fray: “So, yung May will be very, very busy. And nakakakaba, actually, lahat kasi tatakbo. So, kinakabahan na ako ngayon.”


“Sana, sana!” ang tumatawang reaksiyon ni Winwyn Marquez nang tanungin kung ano ang pakiramdam na maging anak ng isang future senator.

Tumatakbo kasing senador ang ina niyang si Alma Moreno para sa 2016 elections.

Dagdag niya, “Hindi, okay naman po.

"Medyo pressured lalo na kay Mama, sa mga kapatid ko rin na tatakbo."

Ang tinutukoy ni Winwyn ay ang dalawa niyang half-brothers na sina Jeremy Marquez at Vandolph Quizon.

Si Jeremy, na kapatid sa ama ni Winwyn, ay tatakbong vice mayor sa Parañaque City; habang ang kapatid niya sa inang si Vandolph ay tatakbo namang konsehal sa nasabing lungsod.

“So, yung May will be very, very busy.

"And nakakakaba, actually, lahat kasi tatakbo.

"So, kinakabahan na ako ngayon."

Kaya nga wala silang birthday celebration ni Vandolph sa 2016.

May 4 ang kapanganakan ni Vandolph at si Winwyn naman ay May 7. Ang eleksiyon naman ay magaganap sa May 9.

Ang selebrasyon daw nila ay pagkatapos na ng eleksiyon, lalo na kung mananalo sina Alma, Jeremy, at Vandolph.

“Sana manalo lahat para mas masaya,” sambit ni Winwyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa presscon ng Little Nanay, Martes ng gabi, November 10, sa Studio 6 ng GMA Network.


PROUD DAUGHTER. Wala ba siyang takot na nararamdaman na ngayon ay mas mataas na posisyon na ang tatakbuhin ng mommy niya?

Sagot ni Winwyn, “Very vocal naman ako na I didn’t want her to run, kasi nga yung health niya.

“Pero yung fear na yun, nawa-wash out din, e, kasi yung mommy ko, sobrang focused siya.

“And twelve years na rin siyang nanilbihan sa politics…

"Ang masakit lang kasi, ang nakikita sa kanya, artista.

“Hindi alam ng tao na… national president siya, naging chairman siya.”

Noong 2012, nahirang si Alma bilang kauna-unahang babaeng national president ng Philippine Councilors League.

Seventeen thousand councilors daw ang nasa pamamahala ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, meron siyang napatunayan kahit papaano, and sana makita yun ng tao.”


JEREMY IN LOVE. Samantala, tinanong din ng PEP si Winwyn kung totoong ikakasal na ang Kuya Jeremy niya at ang girlfriend nitong si Gwen Zamora.

“I have no idea!” bulalas ni Winwyn.

“I really don’t know, hindi ko alam.

“I know he’s in love, ngayon ko lang siya nakitang in love na ganyan, ngayon lang.

“And pag magkasama sila, ibang klase!

"Pero hindi ko alam kung ikakasal na siya o hindi.

“Wala pa siyang nababanggit, e, wala pa."

Dagdag ni Winwyn, “Of course, kung saan masaya yung kapatid ko, support ako, di ba?

"Kung talagang nagmamahalan sila, why not?

“Pero sana yung priorities niyo, siyempre yung priorities din ni Gwen, sana ayusin muna nila lahat.

“Pero alam ko naman si Kuya, yung focus niya, ibang klase din.

“Tsaka mahal niya ata talaga si Gwen!” ang kinikilig na tili ni Winwyn.

Si Gwen, kung pagbabasehan ang Instagram posts nito, ay halatang in love din kay Jeremy.

“Oo, grabe silang dalawa, hindi ako makapaniwala!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN